Chapter Nine

1598 Words
Chapter Nine JOB NAGULAT ako sa sinabing iyon ni Anica at ang mga taong nanonood sa pag-iiskandalo niya ay nag-bubulung-bulungan na rin. This is a big revelation pero hindi dapat ako makialam. Besides, wala naman akong panahon sa kanila. “Anong sinabi mo Anica?” takang tanong ni Philip. “I said buntis ako at ikaw ang ama. Kaya hiwalayan mo iyang babaeng iyan at panindigan mo ako,” wika ng babae saka pa ako itinuro. Hiwalayan? Gosh! Wala ngang kami. Paano niya ako hihiwalayan? Sobrang maissue sila grabe. It is because the kiss? Na ginawa ni Philip para lang i-break siya noon? Anu ba yan! Hindi na peaceful ang buhay-estudyante ko dahil ginugulo na ng mga taong ito. Forgive me God for accusing them pero ang mainvolve sa kanila ay sobrang gulo. “Bakit kita papanindigan? Tang-*na naman oh! Paano ako magiging tatay ng dinadala mo? Anica wala pang isang buwan ng may mangyari sa atin at sigurado ka bang akin yan?” Hindi ko inaasahan ang gagawin ni Anica dahil sinampal niya nang pagkalakas-lakas si Philip. “How dare you to do this to me Philip? Binigay ko ang lahat sa 'yo. Lahat ng pagmamahal tapos magiging ganito lang ang kahihitnan ng lahat ng iyon? Napakawalang-hiya mo. Itong babaeng ito ba ang gusto mong anakan ha? Sabihin mo sa akin. Siya ba?” Tumayo na ako nang akmang lalapit siya sa akin para sabunutan nang... “Sige Anica! Subukan mong galawin kahit isang hibla ng buhok ni Job. Makakatikim ka sa akin,” pagbabanta ni Philip saka niya hinila si Anica palayo sa akin. Nang makalayo sila ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Ano ba ang nangyayari sa campus na ito? Ang daming problema ng mga tao. “Job, is it true na kayo ni Philip?” tanong ng isang Education student. “Oo nga. Bakit ka niya ipinagtatanggol? May relasyon nga ba kayo?” dugtong ng isa. “Kailan pa?” singit ng isa. Ano ito? Showbiz? Gagawin ba nilang Talk-show ang buhay ko? “Silence means yes,” wika naman ng isa. “O my gosh! Totoo nga. The campus hearthrob is in-love with this jejemon girl,” insulto ng isa. Jejemon? Anong jejemon sa pagsusuot ng school uniform? “Wait lang ha. Ano ba ang mapapala ko kung sasagutin ko iyang mga tanong niyo? Diba wala? At wala rin kayong mapapala sa akin kaya umalis na kayo. Pakialaman niyo ang sarili niyong mga buhay dahil wala akong balak na pakialaman ang buhay niyo. At saka kung may nagkakagusto man sa inyo sa Philip na iyon, then go, wala akong pakialam,” masungit na talak ko saka ako umalis sa aking kinaroroonan at nagtungo sa loob ng department. Juice colored! Sobrang maissue ang mga tao. Ito na nga ba ang ayaw na ayaw ko eh, ang pagchismisan ng mga tao na nasa aking paligid. Malapit naman na ang klase ko kaya tumambay na muna ako sa bakanteng room saka nagreview. Ilang ulit ko nang binabasa ang notes ko pero wala pa rin pumapasok sa utak ko dahil naaalala ko ang eskandalo kanina. Dapat kasi hindu na muna ako pumasok. Nadamay pa tuloy ako sa problema ng dalawang iyon. “BES, tara na,” aya sa akin ni Hazel nang makita niya akong palabas na ng aming department. Nakaupo siya sa bench na nasa lilim ng Mangga na tapat lang ng building. Lunch na kasi at magsasabay kaming kakain. “Nagquiz kayo?” tanong niya nang makalapit ako sa gawi niya. “Oo bes. Mabuti na lang talaga at nagreview ako,” “Kahit naman hindi ka magreview ay kayang-kaya mo naman iyon,” “Sus. Binola mo pa ako. Halika na nga at gutom na ako. Ang tagal kong naghintay kanina tapos may nangyari pa,” “What? What happened ba bes?” “Hay naku. Ikukwento ko na lang sa 'yo doon sa canteen,” KAGAYA nga nang sinabi ko ay nagkwento ako sa kaibigan ko nang makaorder na kami ng pagkain. “Diba ikaw yung itinuturo ng babaeng taga IT kanina?” biglang singit ng isang babae. “Excuse me lang Miss. Kumakain kami kaya pwede ba do not interrupt us,” masungit na sabad ni Hazel. “Okay. Nagtatanong lang naman eh,” “Hayaan mo na bes. Magmumukha ka lang na katawa-tawa kung pinatulan mo sila,” “Nakikita mo na ang dulot ng Philip na iyon?” “That's enough Haze. Hindi naman totoo na may relasyon kami kaya hayaan mo na. Bahala na silang mag-isip ng kung anu-ano. Ayaw kong mastress. Ang ikinakatakot ko lang ay baka makarating kay Papa. Lagot talaga ako nito,” “No. Wala kang dapat ikabahala dahil ako ang mag-eexplain sa kanya kung sakali mang makarating iyon sa mga magulang mo,” Mabuti na lang at nandito si Hazel dahil kung wala, hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Kung maaari ay ayaw kong maglihim sa aking mga magulang tungkol sa mga nangyayari sa akin dito sa school. Hay naku! Bakit ba kasi ako nainvolve sa buhay ng Philip na iyon. E di sana wala akong pinoproblema ngayon. PHILIP BAGO pa man masaktan ni Anica si Job ay hinila ko na siya at dinala sa Alumni park. Walang masyadong tao sa parteng ito ng campus dahil oras ng klase. Sobrang nagulat ako sa sinabi ni Anica na buntis siya. Imposible namang mabuntis ko siya. Alam ko naman ang ginawa ko. “Philip ano ba! Nasasaktan ako. Bitiwan mo yung kamay ko!” reklamo niya. “Putang-*na naman Anica! Ano na naman bang palabas iyon ha? Alam ko ang ginawa ko ng gabing iyon at sigurado akong hindi kita nabuntis. Hindi ako tanga Anica! Kaya tantanan mo na iyang mga drama mo!” “Gag* ka ba ha? Alam mong ikaw lang ang boyfriend ko tapos ipapamukha mo sa akin na hindi sa iyo itong dinadala ko? Hindi rin ako tanga Philip!” “Anica huwag mo na akong bilugin. Malakas ang kutob kong hindi akin iyan. Bakit? Nakakasiguro ka bang hindi ang ex mo ang ama ng magiging anak mo?” “Alam mong wala na kami!” “Oo wala na kayo pero paano yung huli niyong pagtatal*k? Sigurado ka bang hindi ka niya nabuntis? Tang-*na Anica! Kung bibilangin ko, wala pang isang buwan nang unang beses na may mangyari sa atin,” “Oo at laro lang iyon para sa 'yo! Pagkatapos ng gabing iyon ay si Alexa na ang nakalandian mo! Kung ayaw mong panindigan ito, puwes, kakausapin ko ang mga magulang ko,” “E di kausapin mo. Hindi ako natatakot. Ipapa-kick out mo ako dito sa campus? Sige lang. Wala akong pakialam dahil hindi sa akin iyan. Pwede ba! Huwag ka nang magsinungaling sa sarili mo Anica. Hindi lang ako ang lalaki sa campus na ito kaya tantanan mo na ako. Tama na. Hindi ka lang kasi makamove-on dahil tapos na tayo,” “Talaga Philip? Sige! Tingnan natin ang mangyayari. Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako,” “Wala akong pakialam. At saka huwag mo nang lalapitan si Job dahil malilintikan ka sa akin. Wala siyang hinalaman dito,” “At ipinagtatanggol mo pa ang babaeng iyon? Bakit? Mapapaligaya ka ba niya ha? Ang kapal ng mukha mo!” “Wala ka nang pakialam kung napapaligaya niya ako o hindi dahil magkaiba kayo,” litanya ko saka ko siya iniwang umiiyak. Bakit ko gagaguhin ang sarili ko? May alam ako sa mga bagay na ganoon kaya hindi niya ako maloloko. Kahit magsumbong pa siya sa presidente ay wala akong pakialam. Pagkabalik ko sa Educ Park ay wala na si Job at tanging panyo na lamang ang naiwan sa inupuan niya kanina. Pinulot ko iyon saka ko inilagay sa aking bag dahil ibabalik ko iyon mamaya. Pumasok ako sa subject ko ng wala sa mood kaya natulog na lang ako. Ginigising pa ako ni Renz ngunit hindi ko siya pinapansin. “Tol totoo bang buntis si Anica?” tanong ni Enzo pagkarating namin sa canteen. “Hindi ko alam. Tang-*na mga tol. Kung totoo mang buntis siya, alam kong hindi sa akin iyon. Hindi ko naman ipinutok sa loob ah. Paano siya mabubuntis?” “Paano kung sabihin niya sa kanyang mga magulang? Makapangyarihan pa naman ang mga magulang niya,” nag-aalalang ani Alex. “E di magsumbong siya. Tanggalin nila ako dito sa campus, eh di gawin nila kung doon sila sasaya. Basta hindi ko paninindigan si Anica dahil sigurado akong hindi sa akin iyon,” “Matindi ka tol pero patindi nang patindi rin ang issue tungkol sa 'yo. Nag pogi mo man!” singit ni Darren. “Pero kahit ganoon man kung sakali ang mangyari, lumaban ka. Ipa-DNA test niyo kaagad at nang magkaalaman na. Sabihin mo sa lola mo,” “Bahala na. Malalaman ko ang susunod na hakbang ng babaeng iyon bukas,” PAGKATAPOS naming kumain ng pananghalian ay dumiretso na kami sa aming tambayan. “Hindi pa ba kayo papasok?” tanong no Darren. “Ako hindi na. Pumasok na lang kayo. Wala akong ganang makinig sa lecture. Iwan niyo na lang ako rito. Kita-kita na lang tayo mamaya sa labas,” wika ko saka ko ipinikit ang aking mga mata. “Ayan na naman si boy absent,” pang-aasar ni Enzo. “Sige na. Lumayas na kayo at nang makapagpahinga na ako,” Nang hindi ko na marinig ang kanilang mga boses ay tuluyan na nga akong nakatulog. Nagising lang ako nang bigkang tumunog ang aking cellphone. Si Alex iyon. Niyaya na akong umuwi. Bumalik namana ko sa loob ng campus upang hanapin si Job sa Educ department. Nakita ko naman siya kaagad na pumasok sa banyo. Hinintay ko siya sa labas at nagulat siya pagkalabas niya mula doon. Tiningnan lang niya ako ng dalawang segundo saka niya ako tinalikuran ngunit mabilis ko siyang hinila saka isinandal sa pader. Mabuti na lang at walang tao roon. “Anong kailangan mo?” tanong niya. “Wala naman. Gusto lang kitang makita,” End of Chapter Nine
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD