Chapter Eight
JOB
BIGLA akong kinabahan nang marinig ko ang kanyang boses. Hindi ako nakapagsalita dahil sa labis na gulat.
My gosh!
Does it mean na hindi si Hazel ang aking kausap?
Tiningnan ko kaagad ang screen ng phone ko at nakitang hindi nga si Hazel iyon.
Gosh! Bakit hindi ko man lang tiningnan muna ang screen ng phone bago sinagot? Sa kamamadali ayan tuloy.
Pinatay ko na kaagad ang tawag nang hindi umiimik.
Naitakip ko na lang sa aking mukha ang aking mga palad sa kahihiyan.
“Ano ba ang nangyayari sa 'yo Job? Umayos ka nga! Anong gagawin mo ngayon?” sermon ko sa aking sarili nang biglang tumunog muli ang aking cellphone na itinaob ko sa kama.
Kinuha ko kaagad iyon at nang makitang si Hazel ang tumatawag ay kaagad ko itong sinagot.
“Hoy! Bakit number busy ka ha? Sinong kausap mo kanina? Umamin ka nga sa akin,” litanya niya.
“Ikaw kasi. Kung anu-anong sinasabi mo,” sagot ko.
“Anong kung anu-ano? Wala naman akong sinabing iba. Tinanong ko lang naman kung pogi si Philip,” natatawang sambit niya.
“Dahil sa kakulitan mo nasabi ko tuloy sa kanya,”
“What? So meaning, nakausap mo siya kanina lang?”
“Oo, right after namatay yung una mong call. Hindi ko na kasi tiningnan kung sino yung tumatawag,”
“Gaga ka talaga. Ngayon gagamitin niya na iyon against you. Siguradong iisipin niyang may gusto ka na sa kanya,”
“O my. Ottokke?” wika ko saka ako kunwaring umiyak.
“Feeling Korean ka naman. Basta huwag mo lang ipahalata. Sigurado akong may iniisip na iyon ngayon,”
“Ikaw kasi bes eh. Next time nga huwag ka nang magtatanong sa akin ng gano'n,”
“It's not my intention naman na ipahamak ka. Pero buti naman at umamin ka na,”
“Pero wala akong gusto sa kanya. Baka kung ano na namang sabihin mo,”
“Well, it seems that you are so guilty. Hindi ko naman tinatanong kung may gusto ka sa kanya,”
“Inuunahan na kita. Baka kasi gawin mo na namang issue. Siya nga pala, anong oras ka nakauwi?”
“Mga Seven na bes. Hinatid ako ni Ralph,” wika niya saka pa siya bumuntong hininga.
“You mean Ralph yung Sports coordinator sa College? Yung hot?”
“Yeah. He is. Bakit?”
“Wala naman. Natanong ko lang. Ang pogi kaya niya,”
“Yeah. Hindi ko alam pero super bait niya sa akin,”
“Baka may gusto siya sa 'yo?” natatawa kong tanong.
“Wala ah. Mabait lang talaga siya. Sige na. Kakain muna ako and then matutulog na. See you tomorrow. Good night bestfriend,”
“Okay. Good night. Tapusin ko lang itong powerpoint and then matutulog na. Hemwa. See you,” sagot ko saka ko pinatay ang tawag.
Hay naku! Kahit stress na siya sa pagiging officer ay ang hilig pa rin niyang mang-asar.
Naalala ko naman ang sinabi niyang baka mag-assume si Philip. Baka kung ano ang isipin niya. So I decided na i-text siya.
To: Unknown Number
It's not what you think.
Sent.
Ayaw kong bigyan niya ng meaning iyon. Ano lang kung sinabi kong pogi siya?
Bahala na nga bukas. I will act normally na lang. Hindi ko naman siya kaklase tomorrow kaya okay lang. Walang mang-aasar sa akin.
PAGKATAPOS kong gumawa ng presentation ay humiga na rin ako sa kama.
Pagkapikit ko ay bigla na namang tumunog ang aking cellphone.
Kinuha ko iyon kaagad saka tiningnan ang screen nito.
It is from the unknown number. Since hindi ko pa naman nasesave kaya still unknown. Sino pa nga ba. Si Philip na naman.
From: Unknown number
Hi Job. Natapos mo na ba? Kung natapos mo na, matulog ka na rin. Pasensiya ka na sa mga kaibigan ko kung ano man yung sinend nila sa 'yo pero salamat sa compliment. Ngayon ko lang alam, pogi pala ako. Good night. See you bukas.
Ito ang laman ng kanyang text kung kaya napabuntong hininga na lamang ako.
Naniwala naman siya kaagad. Hindi naman talaga siya pogi.
Hindi ko na siya nireplyan at pinatay ko na nga ang phone ko saka ako natulog.
I WOKE up early kasi maaga rin kasing aalis si kuya. Sasabay akk sa kanya kaya maaga rin dapat ako.
As I opened my eyes, I thank God for this new new day.
“Good morning world. Good morning kapamilya. This is Job Mendoza, yoyr housemate,” saad ko pagkababa ko ng hagdan.
“Naku! Umagang-umaga nababaliw na naman si bunso,” ani kuya na ngumunguya pa ng bread na kinakain niya.
“Wala man lang good morning kuya bago ka mang-asar?” sarcastic na saad ko saka nagtungo sa lababo para magmumog.
“Magandang umaga anak,” wika ni Mama saka ngumiti.
“Buti pa si Mama. Sabihan mo naman ako ng maganda kuya,”
“Magandang umaga. Hindi ka maganda,” pang-aasar niya kaya naman hinampas ko siya nang ako ay makalapit sa kanyang puwesto.
“Ma oh,”
“Ano ba kayo. Umagang-umaga nagpipikunan na naman kayo. Marinig kayo Papa niyo,”
“Si kuya kasi,”
“Biro lang naman yun. Sige na. Mauuna na akong maligo. Kumain ka na bunso at maligo ka na rin pagkatapos,”
Tumango na lang ako saka ako nagtimpla ng Milo at nagpalaman ng tinapay
“MA, PA, alis na po kami,” paalam ko sa kanila pagkababa ko mula sa kwarto.
“O sige anak. Mag-iingat kayo,” sagot naman ni Papa.
Lumabas na ako ng bahay saka ako sumakay sa sasakyan ni kuya.
“Siguradong wala ka pang kasama doon sa school niyo. Dapat nagtricycle ka na lang,” wika ni kuya saka pinaandar ang sasakyan.
“Sayang naman yung pamasahe ko. At saka sakto lang na pumasok ako ng maaga dahil magrereview ako. Baka kasi magpaquiz yung prof.1 namin kuya,”
“Wow naman. Akala ko naman may kikitain ka ng manliligaw mo,” aniya saka pa tumawa.
“Wala naman akong manliligaw kuya,”
“Si Paul. Diba nanliligaw na sa 'yo?”
“Nanliligaw? Hindi pa naman niya sinasabi sa akin. Hindi pa naman siya nagtatanong kung puwede niya akong ligawan,”
“It doesn't matter naman kung tatanungin ka niya. Kapag nagsimula na siyang magbigay ng kung anu-ano sa 'yo. Kapag napapakilig ka na niya, then that is the start,” sambit ni kuya saka pa ngumiti.
Inisip ko namang mabuti kung nanliligaw na ba talaga si Paul. Binibigyan niya ako ng foods, check. Napapakilig niya ako, ekis pa pero nagpaalam na siya kay Papa.
Basta! Hindi pa naman siguro.
“Wala pa ba siyang nagagawa sa dalawang bagay na iyon?”
“Meron. Diba nga binilhan niya ako ng Donut last time tapos kinain natin after practice?”
“Ah oo nga pala. How about the other one?”
“Not yet. He is my crush pero hindi pa niya ako napapakilig,”
“Paano yun? Crush mo siya pero hindi ka pa niya napapakilig? May ganun ba?”
“Oo naman. Basta iyon na yun,”
“Okay. Kilala mo naman na siya kaya hindi ka na mahihirapan pa kapag nanligaw na nga siya ng tuluyan sa 'yo,”
Ngumiti na lang ako nang sabihin niya iyon saka ko ibinaba ang bintana at dumungaw doon.
“BAKA hindi na naman kita masusundo bunso. Huwag mo na akong hintayin at sumabay ka na lang kay Hazel,” ani kuya bago ako bumaba ng sasakyan.
“Anu ba naman yan,”
“Huwag ka nang magreklamo. Kailangan kong magtrabaho ano. Sige na. Bibili na lang ako ng pasalubong mo,”
“Ayun. Thanks. Sige na. Bababa na ako kuya. Mag-iingat ka,” saad ko saka ako tuluyang bumaba.
Nang makaalis siya ay pumasol na rin ako sa loob ng school.
“Good morning Mang Ador,” bati ko sa guard.
“Good morning din hija. Masyado ka yatang maaga?”
“Magrereview pa kasi ako eh. Maghihintay na lang po ako sa department. Bukas naman na siguro iyon,”
“Oo tingnan mo na lang. Kung sakali mang hindi pa eh di maghintay ka na lang muna sa park,”
“Sige po. Salamat. Mauuna na po ako ”
Pagkarating ko sa aming department ay hindi pa nakabukas ang pinto nito kaya tumambay na muna ako sa Education park hanggang sa nabuksan na nga ang pintuan ng aming department at dumadami na ang mga estudyante.
“Girl kanina ka pa ba?” tanong no Hazel pagkarating niya.
“Bes wala man lang bang good morning muna?”
“Okay okay sorry. Good morning Ms. Job Mendoza,” nakangiting aniya.
“Good morning din Ms. Hazel. Oo kanina pa ako. Maaga kasi si kuya kaya sumabay na ako sa kanya,”
“Wala ka namang first period class diba? Eh di maya-maya ka na lang sana pumasok,”
“Meron kaya. Wednesday ngayon diba?” takang tanong ko.
“Girl, Thursday na po,”
Napasapo na lang ako sa noo ko anng maalala kong Huwebes na nga pala ngayon. Ibig sabihin, wala talaga akong first period. Gosh.
“O ano? Unless excited kang makita si Philip,” natatawang aniya kaya kinurot ko siya sa kanyang tagiliran.
“Bes huwag mong banggitin yung pangalan niya. Baka marinig ka ng mga ex-girlfriends niya sugurin na naman ako,”
“Hindi naman taga Education department ang mga iyon kaya hindi nila maririnig. Sige na. Mauuna na ako. I have my first period class. See you mamayang lunch,” wika niya saka ako hinalikan sa aking pisngi at tuluyan na ngang naglakad papunta sa aming department.
Ako naman ay tumambay na lang sa Education park dahil Nine O'clock pa ang class ko kaya inilabas ko na lang muna ang aking phonr saka ko pinakinggan ang musikang kakantahin namin sa Linggo.
Sinasabayan ako ang tugtog nito nang biglang...
“Good morning partner,”
“What Philip?” masungit na tanong ko saka ko pinatay ang music ng aking cellphone.
Yeah. Si Philip nga ang nang-istorbo sa aking pakikinig. At may dala siyang dalawang disposable cup.
“Ang init ng ulo mo. Kape muna tayo,” aniya saka inilagay sa mesa ang dalawang baso saka umupo sa tapat ko.
Ano na naman ba ang kailangan niya? Mang-aasar na naman ba siya?
“Nagkape na ako kanina,” tanging sagot ko saka ko inilabas ang isa kong notebook.
“Hindi naman kape iyan eh. Milo,” sambit niya saka humigop sa kanyang baso.
“Ano ba ang kailangan mo?” iritadong tanong ko.
“Wala. Wala kasi akong klase at gusto lang naman kitang samahan dahil nakita kong mag-isa ka. Wala ka bang klase ngayong oras na ito?”
“Malamang. Makikita mo ba ako rito kung meron,”
“Bakit ang sungit mo? Tinatanong lang naman kita ah. Kagabi naman ang saya mong kausap,” nakangiting sabi niya kaya napapikit ako bigla.
Gosh! Ipapaalala na naman ba niya sa akin?
“Stop it Philip. Mali ka nang iniisip,”
“Ha? Anong pinagsasabi mo? Wala naman akong iniisip ah,” aniya ngunit nakita ko ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
“Inumin mo na muna iyang dinala ko. Walang lason 'yan. Sayang kasi kapag maitatapon lang,” litanya niya saka muling humigop sa kanyang kape.
Humigop na rin ako para wala na siyang masabi. Hindi na rin naman ako makapagconcentrate kaya itinago ko na ang aking notebook.
Humigop akong muli at napaso ang aking dila sa iniinom ko nang makita ko siyang titig na titig sa akin.
“Job ayos ka lang?”
“Huwag ka nga kasing tumitig sa akin,” inis na wika ko.
“Paano mo naman nalaman na nakatitig ako sa 'yos? Ah alam ko na. Kasi nakatingin ka rin sa akin. Napopogian ka talaga sa akin, ano?” mayabang na sambit niya.
“Excuse me! Sino namang nagsabi sa'yo na nakatingin ako sa 'yo?” mataray na tanong ko saka ko siya pinagtaasan ng kanang kilay ko.
“Kasi hindi mo naman malalaman na nakatitig ako sa 'yo kung hindi ka tumitingin mismo sa akin. Tama ba?”
“What ever Philip. Sige na lumayas ka na rito. Magrereview pa ako,”
“Magreview ka na lang. Hindi ako mag-iingay. Sasamahan lang kita,”
Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang aking pagbabasa nang biglang...
“Philip!” sigaw ng isang babae saka lumapit sa gawi namin.
Pulang-pula ang kanyang mata na halatang kagagaling lamang sa iyak.
Eskandalosa talaga ang Anica na ito.
“Anica ano na naman ba?”
Halata ko sa boses ni Philip ang pagkainis.
“Philip bumalik ka na sa akin,” pagmamakaawa ni Anica.
Nakakahiya ang eskandalong ito dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao.
“Ano na naman bang drama mo Anica? Tapos na tayo diba? Ano pa bang gusto mo!”
“Iwan mo iyang babaeng iyan at bumalik ka sa akin,”
Bakit na naman ako nadamay? Talagang sinasagad-sagad ako ng babaeng ito.
“Bakit naman kita babalikan?”
“Dahil buntis ako!”
End of Chapter Eight