Chapter Seven
JOB
HINDI ko alam kung paano ako magrereact sa text niyang iyon.
Siraulo ba siya? Bakit naman niya bigla-biglang sasabihin sa akin iyon?
To: Unknown number
Napakaantipatiko mo naman. Ang bilis ha. Sinabi ko naman sa 'yong hindi ako nagpapaligaw dahil magagalit ang Papa ko.
Sent
From: Unknown number
Uy Job. Sorry. Hindi ako iyon. May nangi-alam na naman sa cp ko.
Pinagtitripan ba ako nito? Okay.
Hindi ko na nireplyan ang kanyang text at inilapag ko na sa gilid ko ang aking cellphone at ipinagpatuloy na ang paggawa ko ng presentation kahit na nextweek pa naman ang reporting.
Nasa ika-siyam na slide pa lang ako nang muling tumunog ang aking cellphone.
Tiningnan ko ang screen nito at nakita kong number na naman iyon ni Philip.
Dinampot ko ang phone ko saka ko binuksan ang kanyang mensahe.
From: Unknown number
Natapos mo na ba?
I just ignored his text message at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Baka mamaya niyan hindi pala siya yung nagtetext.
Habang nagtatype ako ay bigla na namang tumunog ang aking cellphone.
But this time, hindi na siya text kundi tawag na.
Should I answer it? Pero ano na namang kailangan ng lalaking ito. Kung about sa report, why not i-text niya na lang ako? Bakit kailangang tawag pa?
Hindi ko iyon sinagot at humarap na ulit ako sa laptop.
Hindi pa man ako nakakatapos ng isang slide ay tumunog na naman ang aking cellphone.
Gosh!
“Hello? Ano ba ang kailangan mo? Philip hindi ko pa natatapos itong ginagawa ko. Nang-iistorbo ka naman eh,” inis na saad ko.
“Wa..wait bes. Did you just give your number sa Philip na iyon?” sagot ng babae sa kabilang linya na ikinagulat ko.
I looked at the screen of my phone and found out that the one on the other line is no other than my bestfriend.
Shocks!
“Job? Are you still there? Please answer me,”
“Ah yeah. May tatanungin daw kasi about sa report bes,” mahinang sagot ko saka ko naman narinig ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.
“Seriously? Okay okay. Nabobother lang ako at baka pagtripan ka ng isang 'yan tapos awayin ka na naman ng mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay. Mag-ingat ka,”
“Hindi naman ako magpapaloko sa lalaking iyon. At lalong hindi ako papatol sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya,”
“Very good because nandiyan na si Paul,”
“Speaking of Paul. Alam mo bang nagpaalam na siya kay Papa na ligawan ako?”
“What? Really? So anong sinabi mo?”
“Sinabi kong pag-iisipan ko muna. Tapos sinabi pa ni Papa na kung magkakaroon daw ako ng boyfriend dapat ay si Paul na iyon,”
“Hindi ba pabor na sa 'yo iyon? Crush mo siya diba?”
“Yeah. Pero, magkaiba naman yung crush sa mahal no,”
“Doon na rin papunta iyon. Pero wait lang, paano kung mafall ka sa Philip na iyon?”
“Hoy! Kung anu-ano iyang iniisip mo. You know naman na aso at pusa kami diba?”
“Kahit na. Pero aminin mo, pogi rin siya,”
“Hindi kaya,”
“Ayieeh! Kunwari ka pa. Tumitili ka naman minsan kay Philip John Jacinto kapag naglalaro siya ng basketball tuwing intrams,” pang-aasar niya.
“Hindi ah. Hindi mo naman ako nakikita tuwing intrams dahil busy ka at hindi naman ako nanonood ng basketball,”
“Talaga ba? Sino namang nagsabi sa 'yo na hindi kita nakikita kapag intrams? Sabihin mo na kasing napopogian ka sa kanya,”
“No!”
“No means yes!” aniya saka tumawa.
Kailan pa naging yes ang no? Naku! Baliw na yata ang kaibigan ko.
“Hindi nga,”
“Totoo kaya. Nakasmile ka na. Aminin na. Pogi si Philip diba?”
“Ang kulit! Hindi nga,”
“Uma..”
Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil namatay na ang call at siguradong tatawag ulit iyon para kulitin ako.
Naghintay lang ako ng limang segundo at tumunog na nga ulit ang aking phone.
“Oo na. Pogi na si Philip. Happy ka na bes? Sige na at gagawa na ako ng report. Hindi ko pa natatapos. Nangungulit ka na ka..,”
“Pogi ako?”
O my gus! O my gus!
PHILIP
NANG dumating na nag lahat ay nagsimula na silang mag-assemble.
Naagpasyahan naming dito na kami mag-inuman sa kwarto ni Alex dahil gagawa ako siya ng powerpoint.
“Tol ano nga yung topic niyo sa Rizal?” tanong ni Alex na nakaharap sa kanyang computer habang kami ay nagsisimula na ngang uminom.
“Hindi ko alam. Hindi pa naman nasasabi ni Job sa akin,”
“Tang-*na! Paano ako magsisimulang gumawa ng powerpoint mo kung hindi mo alam ang topic mo? May number ka ba sa kanya? Tawagan mo na lang,”
“Mamaya na. Baka may ginagawa pa iyon. Halika na muna rito at uminom ka na muna. Mamaya na iyan,” litanya ko.
“Oo nga tol. Nagpapakabusy ka na naman diyan. Maaga pa naman,” ani Renz.
“Sabagay. Nariyan pa naman si Darren para gumawa mamaya,” sagot naman ni Alex.
ALAS-OTSO na nang utusan ko ang dalawa na gumawa ng aking presentation.
“Tang* ka ba? Tawagan mo na muna si Job. Tanungin mo yung topic mo at nang makapagresearch ako,” wika ni Alex.
Ganito lang magsalita ang ugok na ito pero alam kong concern siya sa akin.
“I-text ko na lang siya. Baka hindi niya sagutin kapag bagong numero,”
“Bahala ka. Bilisan mo lang,” utos ni boss Alex.
Nagtype nga ako ng mensaheng isesend ko sa kanya upang tanungin ang aming topic saka ko pinindot ang send.
Ilang segundo lang ay nagreply na siya kaagad.
From: Job
Mga babaeng nagdaan sa buhay niya.
Ito ang laman ng kanyang text na sinabi ko naman kaagad sa taga-gawa ko ng report.
“Aba! Sa topic niyong ito, parang ikaw si Rizal. Ang daming babae sa buhay mo eh,” natatawang sabi ni Darren.
“Gag*! Ang talino mo talaga. Lahat na lang ng bagay inihahalintulad mo sa buhay ko,”
“Alam mo ha kung sino ang greatest love ni Rizal?” singit na tanong ni Zander.
“Hindi ko alam. Hindi ko pa naman napag-aaralan iyan,” sagot ko.
“Gag*! Panay absent ka kasi last sem kaya iyan. Walang natira sa 'yo. Tanungin mo na lang si Job,”
Ako namang si uto-uto ay tinanong si Job. Ang akala ko ay hindi na siya magrereply. Mabuti na lang at nireplyan niya ang text ko kaya naka-apat na beses yata kaming nagpalitan ng mensahe.
Masarap naman siyang kausap kaya nang sinabi niyang gumagawa na siya ng kanyang powerpoint ay hindi ko na siya kinulit.
“Iihi muna ako,” paalam ko sa mga kaibigan ko saka ako bumaba para gumamit ng banyo.
Pagbalik ko sa silid ay nagtatawanan na sila.
Mukhang alam ko na. Nangialam na naman sila ng cellphone.
“Pambihira naman o. Pinakialaman niyo na naman,” saad ko saka ko sila pinaghahampas ng unan.
“Anong pinakialaman?” pagsisinungaling ni Enzo ngunit nakikita ko naman ang ngiti sa kanyang tenga.
“Eh bakit ganito ang reply ni Job kung hindi niyo pinakialaman?”
From: Job
Hah? Baliw ka ba? Wala akong pakialam kung sino ang greatest love mo ngayon. I'm not interested.
Ito ang laman ng kanyang text.
Pusang-gala! Mga pakialamerong mga kaibigan.
“Hoy! Bakit ngayon ka lang magreact ng ganyan? Dati naman walang kaso sa 'yo kapag pinapakialaman namin,” natatawang wika ni Zander.
“Ano ba ang sinabi niyo kay Job?” tanong ko dahil nagbura sila ng text.
“Wala. Ano bang nireply niya?”
“Uminom na nga lang kayo. Hay naku! Mga sira-ulo talaga kayo,”
Nagsend akong muli ng mensahe kay Job ngunit hindi na niya ako nireplyan. Tiyak nainis na iyon. Kung anu-ano na naman siguro ang sinabi ng mga mokong na ito.
“Hoy yung inumin niyong dalawa,” sambit ni Renz.
“Sandali na lang. Tatapusin lang namin itong powerpoint ni boss Philip at baka magalit ang kanyang partner,”
“Ulol!” wika ko saka ako tumungga ng bote.
Nang hindi ko mahintay ang kanyang reply ay sinubukan ko siyang tawagan ngunit sa kasawiang-palad, busy ang kanyang numero.
“Sinong kinokontak mo?” pakialamerong tanong ni Enzo.
“Si Job. Pusang-gala kayo. Baka magalit nang tuluyan iyon at hindi ako pansinin sa reporting,”
“Wow! Nag-aalala ang isang Philip Jacinto. Mga tol baka hindi naman ito yung kaibigan natin? Baka ibang tao,” pang-aasar ni Darren.
“I-check niyo nga at baka nilalagnat,” natatawang sabad naman ni Alex.
Mga siraulo na talaga ang mga kaibigan ko.
Sinubukan kong kontakin ulit ang kanyang numero sa pangalawang pagkakataon, mabuti na lang at nag-ring na iyon.
“Oo na. Pogi na si Philip. Happy ka na bes? Sige na at gagawa na ako ng report. Hindi ko pa natatapos. Nangungulit ka na ka..,”
Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na ako.
“Pogi ako?” nakangising tanong ko na biglang ikinatahik ng mga kaibigan ko.
“Job, nandiyan ka pa ba?” tanong kong muli ngunit bigla nang namatay ang tawag.
“Wow tol! Iba ka din?” sigaw ni Enzo saka sila nag-apiran.
“Hindi na ako magtataka kung bumigay iyang si Job sa 'yo. Pinag-uusapan ka na pala nila eh,” singit naman ni Renz.
“Matinik ka talaga sa mga babae tol. Tapos gusto ka pa rin ni Anica. Sana all,” ani Darren saka kami nagtawanan.
Natigil lang kami nang tumunog muli ang aking cellphone.
From: Job
It's not what you think.
End of Chapter Seven