Chapter Six

2120 Words
Chapter Six PHILIP MABUTI na lang at napilit ko siyang ibigay niya ang kanyang numero. Madali lang naman pa lang kausap ang babaeng ito. Nang makita ko siyang mag-isang nakaupo sa Educ Park ay bumili muna ako ng meryenda saka ko siya nilapitan. Ang ganda ng kanyang boses. Nagulat naman siya nang magsalita ako mula sa kanyang likod saka ko inilapag sa mesa ang isang inumin at Siomai na nakalagay sa disposable cup. Habang kausap ko siya ay saka naman tumunog ang kanyang cellphone. Base sa kanilang pinag-uusapan ay alam kong ang kaibigan niya iyon. “Ihahatid na lang kita. Pauwi na rin kasi ako,” sabi ko ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kanyang kilay. “Ihahatid mo ako? Bakit?” aniya. “Diba wala kang masasakyan? Ihahatid na lang kita. Taga saan ka ba?” tanong ko. “Taga dito sa San Gabriel malamang. Dito pa ba ako mag-eenrol kung hindi ako taga rito,” pilosopong sagot niya saka pa ito ngumiti. Naku po! Iba din ang babaeng ito. Pero lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti siya. “Ang ibig kong sabihin, anong barangay dito sa San Gabriel. Napakapilosopo mo naman,” saad ko saka naman siya ngumiti bago sumubo sa kanyang kinakain. “Liwanagin mo kasi kasi,” “Maliwanag naman yung tanong ko ah.So taga saan ka nga?” “Taga Luna ako. Bakit? Balak mo ba akong puntahan sa bahay namin? Huwag na dahil hindi puwede. Magagalit ang Papa ko. Hindi rin ako nagpapaligaw kaya huwag ka nang magbalak,” dire-diretsong aniya kaya naman ako ay napangiti. Ibang klase ang babaeng ito. “Ihahatid lang kita. Hindi ko naman sinabing manliligaw ako. Napaka-advance mo namang mag-isip,” “Nakikita ko kasing iyon ang balak mo kaya sinasabi ko na sa iyo. Hindi ako nagpapaligaw kaya huwag mo na akong ihatid,” aniya saka tumayo at kinuha na ang kanyang bag habang ngumunguya pa. “At salamat nga pala sa meryenda. Hayaan mo, babayaran kita bukas. Tinatamad akong maghalungkat ng pera ko kaya thank you na lang muna,” wika niya saka binuksan ang softdrinks at itinungga ito. “Mauna na ako,” aniya saka naglakad palayo sa akin. Namangha naman ako sa pinapakita niyang ugali niya. Ibang klase nga talaga. Hindi ako makapaniwala sa kanyang ipinapakita. Kaya tumayo na rin ako saka ko siya hinabol. “Wala ka namang masasakyan ngayon diba? Ihatid na lang kita eksaktong makakapag-usap pa tayo tungkol sa ating report,” sabi ko nang makatappat ako sa kanya. “Ang kulit mo. Hindi nga puwede. Magagalit ang mga magulang ko kapag nakita nila akong kung kani-kanino ako sumasakay,” “Sa motor ka naman sasakay. Hindi naman sa akin,” natatawa kong sagot. “Kahit na. Either sa iyo ako sasakay o sa motor mo, magagalit pa rin sila,” Aba! Sumakay pa siya sa pang-aasar ko. Hindi ba anak siya ng Pastor? Bakit hindi siya magalit sa biro kong iyon? “Hindi yan. Ihahatid na lang kita sa mismong babaan. Hindi na sa bahay niyo para walang makakita sa 'yo,” pangungulit ko. “Madami namang tricycle diyan sa labas. Huwag ka ng magpaka-bayani. Umuwi ka na rin at gumawa ng report,” “Gusto nga kasi kitang ihatid,” “Eh ayaw ko nga diba? Bakit ba ang kulit-kulit mo? Para ka namang bata eh,” “Tol huwag mo na nga kasing pilitin,” biglang singit ni Alex na natatawa pa. Patay na naman ako sa panunukso nito. “Sige na. Mauuna na ako. Umuwi ka na rin dahil hindi ako nakikipaglandian sa 'yo. Gumawa ka na ng report at pag-uusapan natin bukas,” aniya saka niya ako tinalikuran. Naiwan naman akong nakatayo dahil hindi ko alam kung paano ako iiwas sa pang-aasar ng aking mga kaibigan. “Tol, bakit mo ba pinipilit si Ms. Educ? Ayaw nga niya diba? Baka naman kasi may iba ka ng nararamdaman sa kanya?” natatawang sabi ni Alex. “Gag*! Gusto ko lang naman siyang makausap tungkol sa report namin. At bakit naman ako magkakagusto sa supladang iyon,” litanya ko saka ko naglakad palabas ng university. “Bakit nga ba hindi? Puwede naman eh. O baka naman hindi mo siya kayang utuin?” “Sino namang nagsabi sa 'yo? Kahit sinong babae dito sa university ay kayang-kaya ko. Kaya huwag kang mag-alala dahil isang araw, bibigay rin siya,” “Sira-ulo! Ano nga? Tatambay ka ba sa bahay? Para naman masimulan na natin yung report mo. Tang-*na mo ang dami kong kailangang tapusin,” “Sasama ba ang barkada?” “Gag*! Kapag sumama silang lahat, siguradong wala ka na namang matatapos. Gawin muna natin para sa susunod na araw, kahit mag-inuman na tayo. Lintik ka. Magagalit si Ms. Educ kapag hindi ka nakagawa ng report,” “Sige na sige na. Uuwi muna ako sa bahay. Magpapalit muna. May libro ka ba sa Rizal?” “Wala. Maghanap na lang tayo sa internet o baka naman may libro si Darren. O ayan na pala sila,” aniya sabay turo sa mga barkada naming palapit na sa gawi namin. “Oy tol. Kanina pa namin kayo hinahanap sa loob. Nandito na pala kayo sa labas,” ani Renz. “Pauwi na rin kami. Gagawa pa ako ng report,” sagot ko. “Report saan? Wala naman tayong assignment ah,” ani Enzo. “Report niya sa Rizal. Mahirap na baka hindi na naman pumasa dahil sa katamaran niya,” natatawang wika ni Alex. “Talaga ba? Baka naman naiinspire dahil kay Ms. Educ,” singit ni Zander. “Mga gag* talaga kayo. Tara na nga. Kung gusto niyong makigulo sa paggawa ng report, sumama kayo sa akin. Mambubulabog tayo sa bahay ni Alex. Alam niyo na kung anong dadalhin. Mauuna na ako,” saad ko saka ako sumakay sa aking motor. “Anong oras ba?” tanong ni Darren. “Kahit ngayon na,” nakangiti namang saad ko. Wala naman nang magagawa itong si Alex kung manggugulo na kami sa kanilang bahay. “Magsiuwian na kayo,” wika ko sak Ko pinaandar ang aking motor at binaybay ang daan pauwi sa bahay. “PHILIP, shot tayo,” salubong ng live-in partner ni Mama. “Sige lang,” tipid na sagot ko saka ako pumasok sa aking kuwarto. Ayaw na ayaw ko siyang kausap dahil baka magdilim ang aking paningin. Naligo na muna ako sandali bago ko inayos ang aking bag. “Saan ka pupunta anak?” tanong ni Mama nang makalabas ako sa aking silid. “Sa bahay ni Alex Ma,” “Iinom ka na naman ba doon? Bakit hindi na lang dito? Saluhan mo ang Tito mo,” aniya. “Hindi lang makikipag-inuman ang gagawin ko doon. Gagawa ako ng report,” sagot ko saka ako nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. “Mamaya niyan hindi lang inom ang gagawin niyo. Baka may mga kasama pa kayong mga babae,” Napapraning na naman ang nanay ko. Hindi ko na lang siya pinansin at dire-diretso na akong lumabas ng bahay. Hindi na ako bata. Alam ko na ang ginagawa ko at kaya ko na ang sarili ko. MABILIS langa kong nakarating sa bahay nina Alex at kaagad akong nagmano sa mga magulang niya pagkapasok ko sa kanilang bahay. “Tita, Tito, magpapaampon po muna ako dito sa bahay niyo,” saad ko. “Naku hijo, walang problema sa amin ng iyong Tita. Gustong-gusto nga namin nang sa ganoon naman ay may kasama si Alex,” wika ni Tito. “Oo nga. Palagi kang welcome dito. Sandali lang at maghahanda ako ng meryenda,” sabi ni Tita saka tumayo. “Tol, ipasok mo na muna sa kwarto iyang mga gamit mo at bakit ang laki naman yata ng bag mo? Naglayas ka na ba? Gag*! Dito ka na ba titira?” “Hayaan mo na anak. Ayos nga iyon eh. Sige na hijo, iakyat mo na sa silid iyang mga gamit mo,” Wala kasing kapatid itong si Alex kaya gustong-gusto ng kanyang mga magulang na may nagpupunta kaming mga barkada niya rito. “Sige po Tito,” sambit ko saka ako tumayo at umakyat sa silid ng kaibigan ko. “Nag-away na naman ba kayo ng step-father mo at bakit ang dami mo na namang dala?” mausisang ani Alex. “Hindi. Niyayaya nga niya akong uminom pero baka kapag natamaan na ako sa alak ay biglang magdilim ang paningin ko,” “Tarantad*! Halika na sa labas. Magmeryenda na muna tayo,” yaya niya sa akin. Paglabas namin ay eksakto namang dumating si Renz na may dalang supot na Puti. “Magpapaampon ka rin tol?” tanong ni Alex. “Oo, nagpaalam na rin ako kina Tita at Tito kaya wala ka nang karapatan para pagbawalan ako,” sagot ng jsa saka naman tumawa ang mga magulang ni Alex. “Magmeryenda na nga muna kayo bago niyo gawin yung mga dapat niyong gawin,” “Naku Ma, mag-iinom lang ang mga iyan. Dito na naman magkakalat sa bahay,” “Hayaan mo na anak. Minsan lang naman at saka ang mga masasayang ala-ala na magkakasama kayo ay tiyak na hindi mawawala sa puso't isipan niyo kung sakali mang paghiwalayin kayo ng panahon,” makahulugang sambit ni Tito. Napakasupportive talaga ng mga magulang ng aking mga kaibigan. Kaya komportable akong kasama sila. Sana lang ay kami pa rin ang magkakasama hanggang sa makatapos kami ng aming pag-aaral. JOB AYAW kong magkaroon ng utang na loob sa lalaking iyon dahil baka gamitin niya pa iyon laban sa akin. Kaya naman iniwan ko na siya nang makita kami ng kanyang kaibigan. Sumakay na ako sa tricycle at nagpahatid sa bahay. “Nandito na po ako,” saad ko nang makapasok ako sa bahay. “Anong sinakyan mo anak? Nasaan na ang kuya mo?” tanong ni Mama na kalalabas lang mula sa kusina. “Mano po Ma,” “Pagpalain ka ng Diyos anak,” “May meeting daw po si Kuya kaya hindi niya ako masusundo. Sumakay na ako ng tricycle pauwi,” “Kasama mo ba si Hazel?” “Hindi po Ma. May overtime po sila kaya pinauna na po niya ako. Alam niyo naman iyon, napakasipag na student-leader,” “Oo nga eh. Pero wala ba kayong practicr ngayon?” “Wala po siguro. Wala naman si Haze at si Kuya. Baka bukas po. Nag-eensayo naman po ako sa phone ko,” “Okay sige. May meryenda doon sa mesa. Kumain ka muna anak bago ka maghugas ng katawan,” “Yes Ma. Salamat po. I-aakyat ko lang po itong mga gamit ko,” sabi ko. Bumaba rin ako kaagad para magmeryenda at nanood sa sala. Pagka-ubos ko ng pagkain ko ay eksakto namang dumating si kuya na may dala-dalang pasalubong para sa akin at si Papa na kararating lang galing sa simbahan. “Meryenda po Pa,” sabi ko saka ako nagmano. “Nagmemeryenda ka na pala. Hindi mo na makakain ito,” ani kuya saka itinaas ang Burger at saka Milktea. “May gabi pa naman. Kakainin ko iyan mamaya habang gumagawa ng report,” saad ko saka ininom ang natitirang juice sa aking baso. ALAS-SYETE y medya na nang magtawag si Mama para kumain dahip nagugutom na raw si Papa at si Kuya. Hindi pa sana ako kakain dahil busog pa ako pero ayaw kasi ni Papa na hindi kami salu-salong kumain kaya bumaba na rin ako. Pagkatapos naming kumain ay nagboluntaryo na akong maghugas ng aming mga pinagkainan saka ako naghalf-bath. NANG matapos ko ang night routine skin care ko ay sinimulan ko na ang paggawa ng presentation. Habang nagtataype ako ay biglang tumunog ang aking phone. Nakita ko sa screen nito ang message na galing sa unknown number. Binuksan ko iyon at nakita kong galing iyon kay Mr. Mayabang dahil sa message niya rin kanina nang ibigay ko ang aking number. From: Unknown number Hi Job, ano nga ulit yung topic natin sa Rizal? Ito ang laman ng kanyang text kaya alam kong galing iyon kay Philip dahil partner ko siya sa subject na iyon. To: Unknown number Mga babaeng nagdaan sa buhay niya. Sent At ipinagpatuloy ko ulit ang pag-eencode. Wala pang isang segundo ang nakalilipas ay tumunog na naman ang aking cellphone. From: Unknown number Salamat. Job, alam mo ba kung sino yung greatest love ni Rizal? To: Unknown number Siyempre Sent From: Unknown number Sino? To: Unknown number Aralin mo dahil nag-aaral ako rito. Sent From: Unknown number Sus. Palusot. Hindi mo lang talaga kilala. Aba! At ginawa pa akong walang alam. To: Unknown number Sino namang nagsabi sa 'yo na hindi ko kilala? Napakayabang mo. Sent From: Unknown number Kung kilala mo talaga. Sino? To: Unknown number Leonor Rivera Sent From: Unknown number Galing ng partner ko. To: Unknown number I know kaya gumawa ka na ng report mo diyan. Nang-iistorbo ka. Sent From: Unknown number Yes Ma'am. Noted. Pagkabasa ko ng kanyang reply ay ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. Hanggang sa makalipas ang tatlong minuto ay nakatanggap muli ako ng text na galing pa rin sa kanya. From: Unknown number Alam mo ba kung sino ang greatest love ko ngayon? Ito ang laman ng kanyang text. To: Unknown number Hah? Baliw ka ba? Wala akong pakialam kung sino ang greatest love mo ngayon. I'm not interested. Sent From: Unknown number IKAW JOB End of Chapter Six
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD