Chapter Five
JOB
“DUMISTANSIYA KA KAY PHILIP KUNG AYAW MONG SIRAIN KO ANG BUHAY MO.”
Ito ang laman ng text na akong natanggap. Base sa laman ng mensaheng iyon ay nakuha ko na kung sino ang nagpadala nun. Sino pa nga ba? E di yung Anica na yun. Siya lang naman ang patay na patay sa Philip na yun.
Well, hindi ako natatakot sa kanya dahil alam ng nasa itaas na wala akong ginagawang masama.
Binalewala ko ang text na iyon kaya bumangon ako kaagad saka ako nagtungo sa banyo para maligo.
SIX-THIRTY Seven na ng umaga nang makapag-ayos na ako ng aking sarili.
“Bunso tara na. May meeting kami,” ani kuya kaya nagpa-alam na ako kina Mama at Papa saka lumabas na ako ng bahay.
Nakita ko si kuya na sumakay na sa loob ng sasakyan kaya sumunod na rin ako.
“BAKA malate ako mamaya. Sumabay ka na lang kay Hazel ha,” saad ni kuya nang makarating kami sa school.
“Yes po. Ingat kuys. Bye,” sagot ko naman saka ako bumaba mula sa sasakyan.
Tinext ko si Hazel na nasa school na ako saka ako dumiretso sa aming department. Nagtungo agad ako sa room namin para sa aming first subject.
May pasurprise quiz ang professor namin. Buti na lang at nakinig ako kahapon sa kanyang lecture kaya hindi mababa ang score ko.
Yung next class namin ay nagdiscuss ulit yung professor namin. Hindi naman ako nabored until pumasok sa isip ko na kaklase ko pala si Philip sa aking next subject kaya parang nawala ako sa focus.
“Good bye class, see you on Friday,” paalam ni Prof. Bernardino.
Dahil may gagamit sa room namin ay lumipat kami sa kabila. Masikip pa naman doon sa lilipatan namin.
Lumabas na kami kaagad saka nagtungo sa kabilang room.
Nahuli akong pumasok kaya wala na akong maupuan.
“Job, dito ka na lang,” tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Alam kong si Philip iyon kaya hindi ko na siya pinansin.
Lumabas ako mula sa room, saka ako kumuha ng upuan sa kabilang room at bumalik doon sa silid na kinaroroonan ng aking mga kaklase.
“Classmates, may meeting daw ang faculty members ngayon, so binilin ako ni Prof. Catigbak na pag-usapan daw ng magkapartner yung topic nila because we will start the reporting on Monday,” saad ni Gwen, ang aming class-chair.
My gus! Ito na yung ayaw ko eh. Kung pwede lang magsolo sa reporting ay gagawin ko na makaiwas lang sa Philip na yun.
“Puwede bang sa labas na lang kami mag-usap ng partner ko?” tanong ng kaklase ko.
“Puwede yan sis,” sagot naman ni bakla.
Nagsimula na nga silang lumabas kaya ako naman ay naghahanda na sa paglabas dahil alam ko namang walang matitira dito.
Ganun na lamang ang gulat ko nang biglang may humila na naman sa akin dahilan ng hindi ko paglabas.
Si Philip iyon, at hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Hanggang sa makalabas na nga ang lahat ng tao na nasa loob ng kinaroroonan naming silid.
“Job, mag-usap naman tayo oh,” aniya habang nakahawak sa aking mga kamay na ikinakaba ko nang labis.
Ano bang pag-uusapan namin?
“Sa labas na lang tayo mag-uusap Philip,” saad ko saka ko iniwas ang tingin ko sa kanya.
“Job, sorry,” aniya saka mas lalomg hinigpitan ang hawak niya sa aking kamay.
Gosh! Ano ang ibig sabihin nito?
“O..okay na yun. Dumistansiya ka na lang sa akin para hindi na nila ako guguluhin. Alam mo namang ikaw ang dahilan diba?”
“Paano ako didistansiya sa 'yo kung tayo ang magkasama sa subject na 'to?”
Oo nga naman. Kasi naman si Prof. Catigbak eh.
“Bahala na. Magkanya-kanya na lang tayo ng gawa. Tawagan mo na langa ko kapag may hindi ka maintindihan sa topic natin,” saad ko saka ko tinanggal ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak.
“Paano kita tatawagan kung wala ka namang numero sa akin? Kukunin ko na lang,” aniya saka inilabas ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa.
Wait? Did I just say na tawagan niya ako? Patay.
“Ah, hindi na pala. Bahala na. Kaya mo naman yun,”
“Ano? Kasasabi mo lang na tawagan kita. Bakit nag-iba naman na? Kukunin ko lang naman yung numero mo,”
“Look Philip, nagiging magulo ang buhay estudyante ko kapag involve ako sa buhay mo. Baka dumating pa yung point na matagpuan na lang nila akong walang buhay dahil sa mga babae mong galit sa akin,” talak ko saka lumayo nang kaunti sa kanya.
“Sino? Si Anica? Hindi ka na pakikialaman nun. Makakatikim sila sa akin kapag ginulo ka pa nila. Sige na akin na yung numero ng cellphone mo. Promise, pagkatapos ng subject na 'to hindi na kita guguluhin,”
Dahil nakukulitan na ako sa kanya ay kinuha ko ang kanyang cellphone para ilagay doon ang aking number.
“Sige na. Gumawa na lang tayo ng kanya-kanya nating powerpoint. Alam mo naman na kung saan ka magsisimula,”
“Yes Ma'am. Itetext kita kapag may hindi ako alam. Salamat,” nakangiting wika niya saka lumabas.
O my gosh! Bakit niya ginagawa 'to? And wait, bakit ngumiti din ako?
Bumalik lang ako sa katinuan ng tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon mula sa aking bag. Nakita ko sa screen nito ang bagong number.
Binuksan ko iyon saka binasa ang text.
“Thank you Job. By the way, ang ganda mo kapag nakangiti ka.”
Ito ang laman ng mensaheng natanggap ko. Kahit hindi ko kilala ang numero, ay kilala ko ang nagsend nito.
Pero sandali laaaaaaang! Bakit na naman ako nakangiti? Hindi ko alam yung nafifeel ko ngayon. Gosh! This can't be Job.
For the second time, tumunog ang aking cellphone at isnag messagr na naman ang natanggap ko ngunit hindi pareho ang numero nito sa una.
“I SAID, DUMISTANSIYA KA NA KAY PHILIP!”
Is this a threat?
Naalala ko yung text na natanggap ko kaninang umaga, iisa lang ang sinasabi nila ngunit magkaibang numero ang ginamit.
Alam ko na naman kung sino ito walang duda, it's Anica.
Umiling-iling na lang ako sa kahibangan ng babaeng iyon. Basta ang alam ko, ay wala akong ibang ginagawa.
Dahil nasabi ko naman na kay Philip na magkanya-kanyang gawa na lang kami ng report ay hindi ko na siya kailangang kitain.
LUMABAS na ako mula sa department at nagtungo sa may park.
Nadatnan ko doon si Hazel na nakabusangot.
“Hoy gurl, bakit ganyan yang hitsura mo?” tanong ko sa kanya sabay upo sa tapat niya.
“Na-istress kasi ako sa upcoming activities sa College natin. Hindi pa magkasundo yung ibang officers,” aniya sabay haplos sa kanyang sentido.
“Kaya mo yan. Magaling ka naman na officer kaya alam kong maganda din ang kalalabasan ng activities natin,”
“Hoping. Basta! Na-istress ako sa lahat ng bagay,”
“Alam mo, tumayo ka na lang diyan at kumain na tayo. Gutom na kaya ako,” reklamo ko.
Nagtungo nga kami sa canteen para kumain.
ALA UNA pasado na nang bumalik kami. Naghiwalay na kami ni Hazel dahil.hindi naman kami magkaklase.
After ng first class ko sa hapon ay bakante ko na hanggang alas singko kaya tumambay na muna ako sa Education Park para hintayin si Hazel.
Habang naka-upo ako ay inilagay ko ang aking earphones para pakinggan ang song namin sa Sunday. Dahil nadadala ako sa song ay, kinakanta ko na rin.
“Ang lamig ng boses. Sana all,” biglang may nagsalita sa likod ko kaya pinindot ko ang pause button sa phone ko.
Kilala ko ang boses na iyon kaya hindi na ako lumingon pa.
“Meryenda?” aniya saka niya inilapag ang Softdrinks saka isang disposable cup na may Shomai.
Umikot din siya para makaupo sa upuang nasa tapat ko.
Ano na naman bang ginagawa niya dito?
“Ba..bakit ka nandito?”
“Wala naman. Hindi naman bawal diba?” sabad niya saka pa siya kumindat.
Juice colored!
“Bakit mag-isa ka? Nasaan yung kaibigan mo?” tanong niya.
“May klase pa,” tipid kong sagot.
“Okay, eh anong oras ka uuwi? Hihintayin mo pa ba siya?”
Ang dami niyang tanong.
Hindi ko siya nasagot dahil tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko ang screen nito at nakita kong si Hazel ang tumatawag.
“Hello bes. Nasaan ka na? May klase ka pa?” dire-diretsong tanong ko.
“Yun na nga ang sasabihin ko sa 'yo. Mauna ka nang umuwi bes. May overtime pa raw kami. Mag-abang ka na lang ng masasakyan sa labas,” sagot niya.
“Aww. Eh sinong kasama mo mamaya pag-uwi?”
“Magpapahatid na lang ako mamaya sa ibang mga officer. Mauna ka na lang. Pasensiya ka na,” aniya.
“Naahh, it's okay. Sige bes. Itext mo na lang ako mamaya kapag nakauwi ka na. Mauuna na din ako. Bye,” wika ko saka ko pinatay ang tawag.
“Ano? Hindi kayo magsasabay ano?” tanong ni Philip habang nakatingin sa akin.
“Ah, may meeting pa raw kasi sila mamaya kaya mauuna na ako,” saad ko saka ako tumayo.
“Grabe naman yan. Dinalhan pa kita ng meryenda tapos hindi mo man lang kakainin. Nakaka-offend naman Job,”
Ayaw ko ng madaming satsat kaya umupo ako ulit para kainin yung meryendang binili RAW niya para sa akin. Sira-ulo ba siya? Hindi naman kasi ako nagpabili eh.
“Ihahatid na lang kita. Pauwi na rin kasi ako,”
Muntik pa akong mabilaukan dahil sa sinabi niya.
Ihahatid niya ako because? Tapos anong susunod?
End of Chapter Five