Chapter Twenty- Eight PHILIP AKALA mo naman gagahasain ko na siya. "Phi-Philip lumayo ka nga sa akin. Baka biglang dumating sina Mama," Bakas sa boses niya ang takot ngunit gusto ko lang siyang asarin kaya mas lalo pa akong dumikit sa kanya. "A-ano na naman? Pwede ba huwag mo akong titigan!" masungit na aniya sabay tulak sa akin. "Nakatitig ba ako? Hindi naman diba?" nakangiti kong tanong. "Nakatitig ka kaya. Lumipat ka na kasi ng pwesto. Maya-maya nandiyan na ang Kuya ko. Magagalit 'yon," "Pakialam ko kung magalit siya. Wala naman tayong ginagawang masama ah. Nakaupo lang naman ako dito sa tabi mo. Yun lang ay kung gusto mong gumawa ng milagro," sabi ko saka ko siya kinindatan. "Anong milagro ang pinagsasasabi mo!" biglang sabad ng isang boses ng lalaki kaya naman napatingin ak

