Chapter Forty- Nine PHILIP HINDI ko naman siya pwedeng iwan na lang mag-isa sa school habang tulog kaya naman halos isang oras akong naghintay bago ko napagpasyahng gisingin na siya. Nagpadala na rin ako ng mensahe sa kanyang Kuya dahil habang mahimbing siyang natutulog ay panay ang tawag ng kanyang kapatid kaya sinamantala ko nang kunin ang numero nito para kontakin. Kung bakit kasi sa school pa siya natulog. Paano kung hindi ko siya nakita? Eh di magdamag siya sa campus. Hinatid ko na rin siya sa kanilang bahay. Ramdam kong kinakabahan siya pero ako, pinipilit kong pakalmahin siya dahil wala naman siyang dapat ikabahala. Wala naman kaming ginagawang masama. Sinubukan kong magpaliwanag sa tatay niya ngunit nauna na ang galit nito kaya naman nang makiusap si Job na umuwi na ako ay g

