Chapter Forty- Eight JOB "JOB ANONG IBIG SABIHIN NG ITO!" ani Papa sa tonong galit na galit. Labis na kaba ang naramdaman ko nang marinig ko ang boses n iyon ng aking ama. Kaya naman bumaba ako kaagad mula sa motorsiklo ni Philip. "Pa," wika ko saka ko siya nilapitan ngunit dumiretso siya sa kinaroroonan ni Philip. "Magandang gabi ho. Hinatid ko lang po si Job," rinig kong wika ni Philip. "Hinatid? Sa ganitong oras? Saan kayo nagpunta ha? Huwag niyo akong pinaglololoko. Lumayas ka na bago pa ako makapagsalita ng hindi maganda sa 'yo. Patawarin ako ng Diyos kung ganito ang reaksiyon ko. Ayaw ko nang makita na nagkakasama kayo ng anak ko," "Pa, huwag naman pong ganyan. Huwag niyo naman pong pagsalitaan ng ganyan si Philip. Nagmamagandang loob po yung tao. Wala po kaming ginagawang mas

