Chapter Sixty- One JOB "NAKAPAGDECIDE na ba si Pastora?" tanong ni Hazel. Kasalukuyan kaming kumakain dito sa bahay. Sinabayan na niya ako to make sure na kakain talaga ako nang maayos. "Hindi ko alam bes eh. Hindi ko pa sure pero sabi ni Kuya kung kulang man daw yung pera namin pakikiusapan na lang muna namin yung hospital. Baka sakaling pumayag sila kahit hindi pa buo yung bayad," "Oo naman. May awa ang Diyos at tutulungan niya tayong gumawa ng paraan ng sa gano'n ay mapoperahan na kaagad si Pastor. Namimis na siya ng lahat. Mahigit isang buwan na siya sa hospital. Hinahanap na rin siya ng mga bata," "Kaya nga eh. Sana lang ay magkamilagro. Yung gagaling na si Papa kahit hindi siya mag-undergo ng surgery. Yung kahit oral medicine lang ay mawawala na yung sakit niya. Ang hirap kasi

