"This way, Your Highness." iminuwestra ako ng ginoong nagpakilala sa ngalang Wilfred Marshall papasok sa VIP entrance ng isang Airport dito sa Metro Manila. Bilang mag-aaral ng kursong Tourism Management, nangunot ang noo ko nang matanaw ang mga tao sa terminal 1 east gates nine hanggang fifteen na siksikan at matiyagang pumipila para makapasok. Hindi ko maintindihan ang pangangailangan sa espeyal na pagtrato sa'kin ng ginoo. Katunayan ay nakabuntot pa sa'min ang sampung nagtatangkarang kalalakihan na wala nang ginawa kundi maging alerto sa mga banta sa paligid. "You might be asking why," anang Wilfred sa nakabubuhol dila niyang British accent, napansin na hindi ako komportable sa lahat ng ito. "Travelers like major personalities, politicians, diplomats, and other dignitaries such as you

