VANESSA Kung babalikan, isang linggo na akong naka-confine sa ospital. Nananakit ang tagiliran kong maliit na binutasan para mapasukan ng tubo. Ikinabit iyon sa isang aparato na siyang sisipsip sa naipong dugo sa aking baga. This is a hospital for sure, pero hindi ko maramdaman na naaalagaan ako dahil hindi man lang ako dinadalaw ni April. Nakadadagdag iyon sa init ng ulo ko sa katotohanang nakakulong ako sa apat na sulok ng private room na ito, lupaypay at parang baldado. Matapos magtangka ang aking ama na ipakulong si April para ilayo siya sa'kin at protektahan ako laban sa lolong patriyarka, nagtapat naman ako ng nararamdaman para sa dalaga noong gabing naiuwi ko ang korona ng Ms. Fonseca College International 2018. Ginawa ko iyon sa harap ng mga propesor at mayayamang mag-aaral ng in

