Chapter One
Alona's POV
~*~
Kililing!... Kililing!...
Tunog nang alarm clock na nagpagising sa natutulog kong diwa. Kaya bumangon ako at agad na pinatay ang nag-iingay na orasan.
Bakit kaya kagaya ko yong tunog ng orasan?. Pangit at walang kabuhay buhay.
''Kililing! Kililing" Yan yong tunog ng orasan di ba?.
Ka sounds nang may "Tililing" as in "Sira ulo". At iyan nga ang madalas na bukam bibig o tsismis tungkol sa'kin ng mga froglet na kaklase ko hehe!.
Sabi pa nila iyon daw ako. Kasi madalas mag-isa lang ako at may sariling mundo. Eh Paki ba nila?. Kung gusto ko kausapin mag-isa ang sarili ko.
Sabagay, tama naman sila. Wala naman talaga akong pakialam. Kahit tawagin pa nila akong dakilang "Weirda" sa buong mundo.
Sa dito ako komportable eh.
Tahimik at walang gulo ang buhay ko bilang estudyante.
Inshort I'm happy with my own little world.
Ugh!.
Masaya nga ba?
Tsk! Huwag na nga isipin.
Lumipad pa utak kong weirda ehe!.
I'm Alona Mira Elexzier.
17 years old
Senior High School Student of...
Maria Cristina Academy
Just call me...
" ALONA FOREVER ALONE! "
A Certified Weirdo
Again sabi yan ng mga classmates kong froglets tehehe!.
Joke lang!.
Magalit pa sila sa akin.
Hmp!
I already claimed that title.
Cheers!.
~*~
"MARIA CRISTINA ACADEMY"
Isang karaniwang araw na naman para sa isang katulad ko. Siguradong madami na ulit kaming gagawin ngayon dahil araw ng Lunes. Makikita ko na ulit ang mga makukulit at mga pasaway kong classmates.
Hmp!
Kahit kailan napaka ingay talaga nila. Kung makapag-usap at kung makapagtismisan ay akakalain mong hindi sila nagkikita o nagkakasama araw-araw.
Sabagay, ano nga bang pakialam ko sakanila?. Kontento na ako sa buhay ko ngayon. Tahimik at walang gulo.
At hindi na rin nila ako pinakikialaman ngayon.
Dahil sabi ko nga...
Weird ako at mukhang takot na silang lumapit o makipag-usap sa akin. At yun naman ang gusto ko.
Dahil ayaw kong inaabala ako ng kahit na sino sa sarili kong mundo.
Masaya na akong kausap at kasama ang aking mga alaga. Sila lang ang tinuturing kong kaibigan at wala ng iba pa.
"Kring!.. Kring!"
Biglang tunog ng aming school bell habang nasa kalagitnaan na ako ng aking paglalakad at pagmumuni muni.
Kasing wierd ko rin yata ang tunog ng aming bell. Napailing pa ako at naisip na tunog pangtelepono yong bell.
What the....
Heck!
Ano ba tong iniisip ko?
Kailangan ko na palang magmadali. Dahil kung hindi ay malalate na ako.
Medyo malayo pa naman ang room namin at nasa ikatlong palapag pa ito.
Nakakainis naman to oh!.
Monday na Monday pero mukhang huli nanaman ako sa klase.
Bakit ba kasi lagi nalang lumilipad ang isipan ko?.
Pinasukan ng gagamba ang utak ko. Kaya para madali akong makaabot sa klase ko ay hinubad ko na ang sapatos ko at nakapaang tumakbo sa buong pasilyo.
Wala akong pakialam na pinagtitinginan ako ng kapwa ko estudyante.
Sanay na kasi ako sakanila at sila lang tong hindi na nasanay sa akin.
Tsk!, Bahala nga sila diyan.
Basta ako nagmamadali.
Badtrip pa kasi puno na yong elevator.
Yes, merong elevator ang school namin. Pero dahil nga Monday malamang sa alamang siksikan talaga ang eksena.
Marami din kasi ang takot malate.
First subject mo ba naman eh terror teacher. Malamang magmamadali ka din.
Ang hirap kaya masabunan ng talsik salivang guro.
Nagmamadali na akong tumakbo at umakyat sa hagdanan.
No choice eh. Buti nalang at sanay na ako sa ganito, Kaya hindi ako gaanong napagod.
Dahil nga malalate na ako ay nagmamadali na akong pumasok sa room at hindi ko napansin na merong nakaharang sa daraanan ko.
BLAG!
Malakas na nilikhang tunog sanhi ng pagbangga ko sa kung sino.
Kaya naman napahinto ako.
Hell!. Masakit din yun ah!.
Pero mas pinili ko na huwag nalang pansinin ang nangyari. Ang importante nakapasok pa ako sa room. Kaysa naman isang oras kang tatayo sa labas ng pasilyo na parang tangang nakadipa.
Parusa para sa mga late!
Oh Heck!. Ang boring kaya nun.
Nakabangga ko pala yong classmate ko. Mukhang kapapasok n'ya lang din yata sa loob ng room namin.
"Aray!. Magdahan dahan ka nga parang--" sambit pa nito pero hindi naituloy ang nais sabihin. Nang makita n'ya ako. Bigla nalang siyang tumahimik at tila ba naumid ang dila.
Tsk! Problema nito?.
Kaya naman nagdesisyon akong lampasan nalang siya. Wala din naman akong balak na humingi ng sorry at kausapin siya. Parehas naman kaming nasaktan. Kaya tabla lang kami.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad pagkatapos ng nangyari.
Umupo ako sa aking bangko. Sa pinakadulo ng row na pinakamalapit sa may bintana. As usual ito ang paborito kong parte ng room namin.
Tamang tama wala pa ang teacher namin. Kaya nangalumbaba ako sa maliit na desk ng aking upuan. Sabay tingin sa labas ng bintana.
Uhm!.
Si Franz lang naman pala yong nabangga ko. Napasimangot tuloy ako.
Franz as in "Francis Zillion Recafort". Ang School "Pa Fall". Bahala nga siya diyan.
Di naman kami close.
Ugh! Wala naman talaga akong kaclose eversince nag-aral ako dito. Tsk!.
Sa gilid ng mata ko nakita ko pa ang pag-upo ni Franz sa upuan nito.
Nakabusangot din ang mukha nito. Mukhang di maganda timpla n'ya.
Hmp!.
Wala namang nasabi kanina. Mukhang takot nga din ang isang to sa'kin. Tsura n'ya.
Haist!.
Bakit ko nga ba iniisip ang mokong na to?
Binalik ko nalang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Buti nalang talaga at wala pa yong teacher namin nakaabot pa ako. Kahit paano napangiti ako.
Yes! Save by the bell.