Chapter 1
Chapter 1
Veronica's POV
Maayos ang naging araw ko ngayon. Nag-iikot-ikot ako ngayon ng bagong campus dahil gusto kong malaman ang mga pasikot-sikot sa bago kong school. Ngayon ang first day ko at mamayang alas-nuebe ay magsisimula na ang klase namin.
Alas-sais palang ay pumunta na ako dito sa school upang mag-ikot-ikot at hindi naman ako nagsisi dahil totoo ngang napakaganda at nakakamotive mag-aral sa environment ng school na ito.
Ako si Veronica Thea McKenzie. I'm 19 years old and now a first year Accountancy College student. Bakit nga ba ako nag-accountancy? Di ko din alam, ang alam ko lang ay gusto ko ng maraming pera!
Simula nung magkaroon ako ng knowledge kung paano gumagana ang pera sa mundo, gusto ko na din syang gawing work.
Dahil I love money and money can buy anything. So, money is my life! Money is my breathing air! Money is everything!
Habang naglalakad ako ay panay ang kuha ko ng pictures sa bawat anggulo ng mga gusali. Hindi ako makuntento sa kung ano ang mga nakikita ko.
Wala akong pakialam kung ma-full na ang storage ng cellphone ko dahil marami pa akong back-up. Pero habang naglalakad ay bigla akong may muhkang nahagip.
Nakaupo sya sa isang table at nag-iisa. May hawak syang libro at halatang binabasa nya ito dahil saka nya naman nilipat ang pahina ng binabasa nya
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya upang kumpirmahin ang nakikita. Pero nung lumapit ako ay mas lalo ko lang napagtanto na totoo sya at hindi guni-guni ko lang.
"Oh, my god. Jaxon?" Walang mas pina-OA kong sabi. "Are you Jaxon Lucas Amos?" Tanong ko. Doon naman ito nagtaas ang tingin sa akin at doon ko na na-confirm na sya nga iyon. "Oh! My! God! Jaxon, Hi!" OA ko paring sabi at nagpapadyak pa.
"H-Hello." Naiilang nitong sabi pero hindi ko iyon masyadong pinansin.
"Are your campus here? Which department are you? Accountancy ka din ba?" Magkakasunod kong tanong. Tumingin naman ito sa relong-pambising nya at te! Malinamnam!
"Actually, I have to go. Mag-sa-start na ang class. But, it's nice to see you, though." Sabi nito at mabilis na niligpit ang mga gamit nya.
"Saang department ka, Jaxon?" Tanong ko sa kanya habang nililigpit pa nya ang mga gamit nya.
"Civil Engineering." Maikli nyang sagot at parang naiinis na pero hindi ko parin pinansin iyon.
"Wow, so that means magkaharap lang tayo building. Wow! What a coincidence!" Masayang masaya kong sabi.
"Sige. Aalis na ako." Sabi nito at umalis na.
"Ingat! See you around!" Malakas kong sbai para marinig pa nya. Bumuntong-hininga naman ako bago ako naglakad papuntang building namin.
Ilang minuto pa naman ang nalalabi bago ang 9:00 AM pero bakit parang nagmamadali sya?
'Baka sa pinakataas pa ang room nya kaya kailangan nya maging maaga.'
Pagpasok ko ng classroom ay sobrang exciting na ang pakiramdam. Gusto ko nang malaman ang mga mangyayari sa pagpasok ko sa aking college life. Lahat ng iyon ay malalaman ko sa oras....
Na pumasok....
Ang mga professor....
Ang Boring!!!!
Bakit ganon magsalita ang mga prof? Bakit ansusungin na agad nila, eh, first day palang?
Lunch break na pero parang pagod na pagod na ako. First day palang pero sobrang nakaka-overwhelming na ng mga nangyayari sa araw ko. Hindi ko alam na ganito pala ang aabutin ng college life ko. Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na magiging ganito kaboring ang buong apat na taon ko sa college.
Habang naglalakad ako ay hindi ko iniinda ang mga taong nasa paligid ko. Nakasuot ako ng earphones at kumakain ng binili kong pagkain sa cafeteria. This campus is huge. Meron itong malalaking buildings and isa na ang building, kung nasaan ang classroom ko, ang pinakamalaking building sa loob ng campus.
Tumayo ako para bumili ng maiinom pero nang iangat ko ang paningin ko sa paligid ko ay tumama ang paningin ko sa isang lalaki. Lalaki na pakiramdam ko ay sya na ang lalaking pinaka-gwapo sa buong mundo. Tinanggal ko ang suot kong earphones at lumapit ako sa kanya.
"Hi, Jaxon." Masigla kong sabi habang nakatingin sa kanya.
'Lord, kahit na gaano kaboring ang college life ko, basta ba ito ang palagi kong nakikita, okay lang! I love college life!'
- Jaxon's POV –
Pilit akong ngumiti habang nakatingin sa babaeng kaharap ko. Pangalawang beses ko na itong nakikita ngayong araw at hindi na ako natutuwa pa.
"Tapos ka na din ba mag-lunch?" Masiglang tanong nya sa akin. Pilit naman akong ngumiti.
"Actually, kakain palang ako." Sabi ko sa kanya.
"Oh, really? Pwede ba kitang sabayan? Wala kasi ang kasabay kumai----"
"May kasabay na ako kumain." Putol ko sa sinasabi nya.
"Ahh, ganon ba? Sayang naman. Sige, see you around, Jaxon!" Sabi nito at kumaway sa akin. Mas nilakihan ko naman ang ngiti ko at kaagad ko din iyong inalis ng makalayo na sya sa akin. Naglakad na ako pabalik ng table namin at nakita ko ang mga kaibigan ko.
"Ohh, bat ang tagal mo?" Tanong ni Zachary sa akin.
"Jax, bat ganyan muhka mo?" Tanong naman sa akin ni Xander.
"Nakita ko nanaman sya." Sabi ko at umupo sa tabi ni Maddie, girlfriend ni Anton.
"Talaga? Umalis na ba sya?" Tanong sa akin ni Maddie. Tumango naman ako. Hindi na ako nagulat na magtatanong ito, best friends silang dalawa ni Veronica.
"Bakit di mo niyaya umupo sa atin?" Tanong ni Anton. Pilit naman akong ngumiti.
'Ipagawa nyo na lahat, wag lang ang pasabayin syang kumain sa akin.'
"Bae, gusto ko syang makita." Malambing na sabi ni Maddie sa boyfriend nya.
"Sino naman, mahal?" Malambing na sabi ni Anton pabalik dahilan para mangilabot kami.
"Ano ba? Dun nyo nga yan gawin sa ibang lugar, wag sa harap namin." Nakangiwing sabi ni Zachary.
"Inggit lang kayo." Sabi ni Anton sa amin at muling nakipagharutan sa gf nya. Kaming mga naroon naman ay walang ibang nagawa kung hindi ang mandiri nalang sa kanilang dalawa.
- Veronica's POV –
Matapos kong kumain ay pumunta muna ako sa nahanap kong tambayan kanina. Maganda doon tumambay kapag vacant time mo dahil bukod sa malamig dahil mahangin, malimlim din sya dahil nasa ilalim ito ng malaking puno. At isa pa, malapit lang ito sa building namin.
Habang nakaupo ako ay nakikinig parin ako ng music at nagbabasa ng librong binili ko kanina. Hindi ko pinapansin ang nasa paligid ko and in-enjoy ko lang ang moment ko. Pero habang nagbabasa ako ay bigla nalang akong may nakita.
"Jaxon!" Malakas kong tawag dito at dali-daling lumapit sa kanya. "Hi, guys." Bati ko sa mga kasama nito.
"Bakit ngayon ko lang nalaman na dito ka din pala?" Tanong ni Anton sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Bhieee!!!" Malakas na sigaw ni Maddie.
"Mhieeee!" Malakas kong sigaw pabalik at lumapit sa kanya upang yumakap.
"I miss you, Vi!"
"I miss you too, Mhie!" Sagot ko pabalik. Tumama naman ang paningin ko sa iba nilang kasama.
"Hi, Zach. Hi, Xander. Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko sa kanya.
"Since last week pa." Sagot nya. "Kumusta ka na? Di namin alam na dito ka din nag-enroll."
"Hindi ko talaga sinabi para isurprise si Maddie. Kaso, ako ang nasurprise nung makita ko kanina si Jaxon. At nakita ko naman kayong lahat dito ngayon." Lumingon ako kay Maddie at Inilapit ang sarili ko sa kanya. "Bakit di mo sinasabi sa akin na nandito din pala silang lahat?" Bulong ko kay Maddie. Humagikgik lang ang bruha sa akin.
"'Te, penge akong bente." Biglang sabi ni Zach. Napakunot naman ang noo ko.
"Hala, ang tibay mo, ah? Dati, sampung piso lang hinihingi mo sa akin, ah?" Reklamo ko habang inilalabas wallet ko.
"Shempre, college na tayo, 'te. Di na tayo mga seniors. Need ko na din mag-level up." Sabi nya. "Thank you, 'te." Sabi pa nya ng iabot ko sa kanya ang benteng hinihingi nya.
"Teka, anong course nyo?" Tanong ko sa kanila.
"Civil Engineering kami nila Jaxon at Xander." Sagot ni Anton sa akin.
"Ako, Tourism." Sagot ni Maddie sa akin.
"Eh, si Zach?" Tanong ko.
"Accountancy yan si Zachary." Sagot nanaman ni Anton.
"Tara na, guys." Sabi ni Jaxon. Tumingin naman ako sa oras.
"Hala, magsa-start na pala ang klase. Mauna na ako, guys!" Paalam ko. Naglakad na ako paalis sa kanila at umakyat na ako.
Siguro nagtataka kayo kung sino si Jaxon at yung mga kasama nya? Well, sasabihin ko sa inyo kung sino nga ba sila.
Jaxon Lucas Amos. He has been my crush since senior years. He's been my crush since then. He's so handsome and he's so intelligent. He's the top 1 and the rank 1 of our class since the first year of seniors. He's a great man.
Next is Zachary Evan Remington. He's one of Jaxon's best friends. And we used to be friends too. But now, we're not that close like we used to. He's also smart, and he's also taking accountancy like me. Hindi ko nga alam kung bakit Accountancy ang kinuha nya. Basta.
Xander Isaac Barlowe. He became part of their group in the second year of senior. But he is also a great man. And, of course, he's also intelligent.
Antonio Luna. His family name is Luna. And Sinadya ata talagang pangalanan syang Antonio para maging kapangalan ito ni Heneral Luna. He hates being called Antonio, so we call him Anton. And ironically, he hates to swear.
Next is Gregory Christoper Fernandez. He is the joker of the group. He's smart and obsessed with his girlfriend, Catherine. Yeah, may pagka-under sya.
Lastly, Calvin Jack Ford. He is the black sheep of the group. He's also a great man.
Above all, they're all intelligent in their circle of friends. Walang nagtutulakan sa kanila sa katalinuhan. Sa looks din, sabi nung iba. Pero para sa akin, isa lang ang gwapo sa kanila, at si Jaxon lang iyon.
Hanggang sa natapos na ang buong araw at boredom nanaman ang bumalot sa akin. Pagod akong umuwi sa bahay namin at kaagad na binalot ng antok ang katawan ko. Di na ako nagpagising pa at nakatulog na ako.
- To Be Continued -