CONFIDENT si Rashid na makukumbinsi niya ang council na huwag palitan ang pamilya bilang ruling royal family sa Saranaya. Naayos na niya ang mga dokumento na magpapatunay na karapat-dapat silang mamuno. May mga witness pa siyang kinuha. Tapos at naayos na rin niya ang presentation. It will all matter on how he was going to execute the presentation tomorrow and how the witness will stand. Kailangan lang na makumbinsi nila nang maayos ang council. Kailangan na maging maayos ng pagsasalita niya. Ang kailangan lang ni Rashid ay pahinga para maging mas maayos siya. Ngayong maayos na ang presentation niya ay magagawa na niya iyon. Gusto rin niyang makausap at makasama muna si Yaminah bago matulog. Mas magkakaroon siya ng lakas para bukas. Nang makauwi sa palasyo ay hinanap niya kaagad si Yamin

