MAHIGPIT ang pagkakahawak ng kamay ni Yaminah kay Rashid habang hinihintay ang desisyon ng council. Kakatapos lang magpresent ng asawa. The council is having a deliberation now. Naroroon siya para suportahan ito. Hindi na siya kasali sa presentation dahil naintindihan naman ng council na nakasakit siya. Si Rashid lang at ang mga witnesses ang pumasok sa loob ng conference room. Nasa labas lang siya habang nagpe-present ang asawa. Ramdam ni Yaminah ang panginginig ni Rashid. Pinsil niya ang kamay nito. "You've done great. Naniniwala ako sa 'yo at alam ko na ganoon rin ang nararamdaman ng council," "Thank you. Lumalakas ang loob ko dahil naniniwala ka sa akin." "Nanginginig ka. Alam ko na kinakabahan ka pa rin." "Because if I fail, I will fail you, too. At alam mo na iyon ang pinaka-ayaw

