HINDI makakasama ni Yaminah si Rashid sa pagbalik niya ng Saranaya. Dumating kasi ang kapatid nitong si Rocco mula sa Sicily. Madalas na humihingi ng business advice ang sumunod na kapatid ni Rashid sa ina kaya nagpa-iwan ito. Tinulungan nito ang kapatid. Bukod pa roon ay nagbabalak raw na magpatayo ng negosyo si Rocco at balak na sumosyoso roon ni Rashid. Hindi naman iyon big deal kay Yaminah. Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya. Isa pa, hindi naman talaga siya nag-iisa sa pag-uwi niya sa Saranaya. Kasabay rin niya ang body guard niya. Kailangan na rin kasi niyang umuwi sa Saranaya. Isang linggo mula ngayon ay gaganapin ang twenty second birthday niya. Malaking party ang ibinigay sa kanya ng ama. Kasali rin siya sa paghahanda. May private jet ang pamilya pero gamit iyon ng kany

