"YOU ARE so beautiful..." makikita ang sincerity sa mata ni Tariq nang sabihin nito iyon kay Yaminah. Kakatapos lang niyang ayusan para sa twenty second birthday party niya. Nang makabalik si Yaminah sa Saranaya ay naroroon na rin si Tariq. Sa loob ng isang linggo niyang paghahanda ay naroroon ito. Araw-araw silang magkasama. Na-miss niya ang kaibigan. Dahil sa pagdating nito kaya nawala ang lungkot na nararamdaman niya sa nalamang totoong kulay ni Rashid. "Jeez, thank you. What are you doing here? You are not supposed to see me before---oh!" Nagulat si Yaminah nang may kuhanin sa bulsa si Tariq. It was a gold necklace with a heart-shaped ruby pendant. Isinuot nito iyon sa kanya. Bumagay iyon sa suot niyang ruby colored rin na dress. "Ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo..." Wika ni

