RUSTY TABALANZA SALAZAR Kung may kanta lang siguro na babagay sa akin, iyon ang GREAT PRETENDER. Dinaig ko pa ang artista dahil sa galing kong umarte. Oo, umaarte lang ako. Umaarte lang akong may kausap ako sa cell phone kanina. Alam ko na paparating na sila Bella at si Krypton dahil nakita ko sila sa bintana kaya naman nagmamadali akong pumwesto sa sofa at nagkunwari na may kausap. Oo, kunwari lang na may kausap ako. Ayoko namang mandisturbo ng ibang tao lalo na si Sebastian dahil alam kong busy siya sa pag-aaral niya. Hindi naman porket may problema ako ay sasabihin ko na kaagad sa ibang tao. Nang umakyat ang dalawa sa taas para magbihis ay pumunta na ako rito sa kusina para naman maghanda ng pagkain naming tatlo. Nadedemonyo nga akong lagyan ng chili powder ang pagkain ni Bella para

