RUSTY TABALANZA SALAZAR “Why?” tanong ulit ni Krypton nang hindi siya nakakuha ng sagot mula sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Nang tumingin ako sa mukha niya ay sandali kong nakita ang lungkot sa mga mata niya. Pero sandali lang iyon kaya sa tingin ko ay guni-guni ko lang din iyon. Pinaglalaruan lang ako ng isip ko. Tigilao na ang pagiging martir, Rusty! Tigilan mo na! saad ko sa sarili ko dahil kamuntikan ko nang abutin ang mukha niya at damhin. Inayos ko ang sarili ko. Isiniksik ko sa isipan ko na dapat hindi na ako magpaloko pa sa kanya. Tama na ang katangahan ko lalo pa at alam kong wala na kaming pag-asa pang dalawa. Hihintayin ko na lang ang annulment naming dalawa. “Bitiwan mo ako!” angil ko sa kanya sabay tanggal ng kamay niya sa akin. “Are you really going to leave me

