RUSTY TABALANZA SALAZAR “Now, tell me. What really happened to you?” tanong sa akin ni Sebastian nang nasa pad niya na kami. Dito na kami dumiretso. Alanganin naman kasi na magpahatid pa ako sa kanya sa bahay namin ni Krypton. Mas maguguluhan lang siya. “Puwede ko bang hindi sagutin ang tanong mo?” balik tanong ko sa kanya. Inilapag niya ang hawak na plato na may lamang kanin sa lamesa. “It’s okay. Hindi rin naman kita pipilitin na sabihin sa akin ang totoo, eh. I’m just happy that you called me.” Tumayo ako. “Tulungan na nga kita sa pagsasandok. Masyado na akong abala sa iyo.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Dumiretso na ako sa kusina at kinuha ang pinaglutuan ng ulam. Matapos maayos ang lamesa at makaupo kami ay saka ulit ako nagsalita. “Oo, ikaw talaga ang tatawagan ko ka

