RUSTY TABALANZA “Waaaahhh! Saan na ba kasi tayo papunta?” malakas na sigaw ko kasabay ng pagpunas ng luha ko. OA na kung OA. Basta natatakot ako. Nawawala kami ni Krypton. Ang balak kong gustong pagkain ng mangga sa bahay ay napurnada na dahil itong magaling kong asawa ay inaya akong gumala para daw gumaan ang pakiramdaman ko. Ako naman ‘tong si Tanga, pumayag, ‘di ko naman alam na hindi niya pa alam ang lugar na pupuntahan. Nasaang lupalop na kaya kami ng Pilipinas. Asar talaga. “Huwag ka ngang maingay. Akala ko ba ay matapang ka? Kung batukan mo nga iyong malaking reporter, eh, basta na lang tapos ngayon, iiyak ka.” Matalim ko siyang tiningnan. “Sa tao, lalo na sa taong mukhang bakulaw lang, hindi ako takot, pero sa mga multo, tikbalang, aswang, bampira, sa mga iyon, takot ako. Ka

