KRYPTON SALAZAR Napapailing na lang ako habang natatawa dahil sa inaasta ni Rusty. I think she’s pregnant. Ang bilis magbago ng mood niya, at alam kong kailangan ko iyong intindihin. Bago umalis ng bahay ay tumawag na muna ako kay Miranda at kay Shane para pumunta sila rito. I can’t leave Rusty alone here lalo na sa sitwasyon niya ngayon. I don’t know. Kahit hindi pa naman ako sigurado kung buntis nga siya ay kailangan ko lang mag-ingat para sa kalagayan niya. At dahil papunta na rito ang mga kapatid ni Rusty ay saka lang ako umalis ng bahay, hoping that I will get what Rusty wants, lalo pa at hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng ostrich egg. Sa naisip ko ay naalala ko ang kaibigan ko, ang kaibigan ko noon. Kaya dali-dali ko itong tinawagan. Tadeo has a restaurant and he has th

