RUSTY TABALANZA SALAZAR One year later... Patang-pata ang katawan ko. Dinaig ko pa ang binugbog dahil sa istado ng katawan ko ngayon. Para akong lalagnatin na hindi ko alam. At ang malala pa ay parang babaliktad ang sikmura ko. Punyeta! Bumangon ako. Mabuti na lang at linggo ngayon kaya hindi ko kailangan mag-ayos para pumasok. Ang dahan-dahan kong kilos ay naging mabilis nang tila hinahalukay na naman ang sikmura ko, kaya nagmamadali akong napatakbo sa C.R at doon ko ibinuhos ang akala mo naman ay sandamakmak na laman ng tiyan ko. Ilang beses pa akong dumuwal kaya nanghihina akong napatayo. Bago lumabas ay naghilamos ako ng mukha at inayos ang sarili ko. I don’t feel having an extra activities right now. Gusto ko lang humilata magdamag. Nag-ayos ako ng buhok at lumabas ng kwarto.

