KRYPTON SALAZAR Nakatingin ako sa maamong mukha ng asawa ko habang natutulog siya. Napangiti pa ako nang makita ang bahid ng mantiya ng dugo sa kumot na ginamit namin indikasyon na ako ang una sa buhay ng asawa ko. Sabagay, hindi ko naman inisip na may iba nga siyang naging nobyo maliban sa akin lalo pa at naka-focus siya sa pamilya niya bago pa ako dumating sa buhay niya. Kinuha ko ang kumot at kinumutan ang kahubaran niya bago ako tumayo para magtimpla ng kape. Matapos kong magtimpla ay naglakad ako papunta sa veranda at hinayaan ang sarili ko na damhin ang malamig na hangin. Honestly, I prefer living in this kind of place. I always wanted to have a ranch in an island. Gusto ko ring magkaroon ng beach house at doon tumira kapag tumanda kasama ang pamilya ko. Noon, kay Bella lang umii

