RUSTY TABALANZA SALAZAR “You may kiss the bride...” saad ng pari kaya naman sinunggaban na kaagad ako ni Krypton. He kissed me passionately na para bang takot siyang mawala siya sa akin. Pumailanlang ang masigabong palakpakan mula sa manonood pero tila walang narinig si Krypton dahil ipinagpatuloy niya lang ang paghalik sa akin kaya natatawa na lang akong kumalas sa kanya. Bahagya ko pa siyang hinampas sa braso. “Ang saya ko, Boss,” saad ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Nakahawak din siya sa baywang ko na para bang takot siyang mawala ako. “I am happy too. Ang saya ko dahil ang pagpapakasal ko ulit sa iyo ang pinakatamang bagay na nagawa ko.” Nababasa ko ang sincerity sa mga mata niya. At iyon ang gustong-gusto kong makita, dahil kapag ganito ang ipinapakita niya, ay

