RUSTY TABALANZA SALAZAR “Ano ba, Kuya, ihinto mo na itong sasakyan?! Saan mo ba kami balak na dalhin?!” sigaw ko. Gusto ko mang umiyak pero hindi ito ang tamang oras para doon. Umiiyak na nga si Shane at si Miranda, iiyak pa ba naman ako. Hindi ako papayag na masaktan ang mga kapatid ko! Magkamatayan na! “Pasensiya na, Ma’am, napag-utusan lang po ako.” “Sino?! Sino ang nag-utos sa iyo?! Sabihin mo! Si Bella ba?!—” Akala ko ay sasagutin niya ako kaso tumunog ang cell phone niya kaya sinagot niya iyon. Marahan akong nakinig sa kanya habang nakamasid pa rin sa labas na hindi ko na pamilyar ang dinadaanan namin. “Yes, boss. Malapit na kami, kaso nanlalaban, eh. Ano po ang gagawin ko? Teka, sino ang boss na sinasabi niya? Natigilan siya na parang pinapakinggan ang sinasabi sa kanya ng

