RUSTY TABALANZA Nasapo ko ang dibdib ko dahil sa kagagahan ko. Ang totoo ay umiyak talaga ako—umiyak ako sa kahihiyan. Shutang ina, dinaig ko pa ang binabayo ni Krypton kanina mula sa likuran ko. Akala niya ba ang hindi ko ramdam ang pagkadyot ng harapan niya sa bandang puwit ko? Jusko! Hindi niya man lang ba napansin na nakasuot lang siya ng manipis na jogger pants kaya naman bawat yugyog niya sa likuran ko ay ramdam ko ang pagduyan ng alaga niya papunta sa wetpaks ko? Teka, teka, teka nga! O! M! G! Wala ba siyang brief?! Ano iyon, humarap siya sa kainan nang wala man lang brief na suot?! Kasi, ‘di ba, kung may brief iyon ay hindi naman yata aalog ang dalawang itlog niya kasama ang panusok niya, ‘di ba? Nasapo ko ang mukha ko dahil sa naisip kasabay ng pagtulay ng nakakakiliti at

