KRYPTON SALAZAR I am having breakfast with Rusty when I received a phone call from my Ninong who’s teaching at the university where Rusty took an exam. Napatingin ako kay Rusty na ngumunguya pa ng pritong manok. Napangiti ako dahil halos mahirinan na siya sa dami ng pagkain na nasa bibig niya. “Sandali lang, darling, I have to take this call.” Itinaas ko pa ang cell phone ko. Tumango lang siya bago ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi alam ni Rusty na ngayon lalabas ang result niya. Kampante naman ako na papasa siya, eh. Naglakad pa ako papalayo sa asawa ko para hindi niya marinig ang usapan namin ni Ninong Cleo. “Good morning, Ninong,” bati ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag. “Hello, Krypton. I guess you already have idea why I called you, hijo.” “Is it about Rusty’s examinatio

