RUSTY TABALANZA SALAZAR “Agh! Nasaan na ba iyooonnn?!” Halos baliktarin ko na ang kama ko dahil sa paghahanap ng ID ko ay hindi ko pa rin alam kung saan ko nailagay. First day of school para sa akin. Pero heto ako ngayon, imbes na fresh ay haggard na dahil sa sobrang pagkabanas. “Are you done, my darling?” Nilingon ko si Krypton. Tiningnan ko siya nang sobrang talim bago inirapan. “Ang bango mo, ah? Sa opisina ba talaga ang punta mo?” sita ko sa kanya habang patuloy pa rin na hinahagilap ang lintik na ID ko. Kung bakit ba naman kasi hindi ko inasikaso iyon kagabi? Heto tuloy, halos hindi na ako magkandatuto sa kahahanap. “Talaga ba? Mabango ba ako? Parang hindi naman, ah. Parang nat—” Namaywang ako at hinarap ulit siya. “At ano, natural na amoy mo lang iyan? Wow, ha? Sabagay, araw

