Kabanata 9

1694 Words

Kabanata 9 NAKASIMANGOT na pinanonood ni Airin ang nagkukumpulang mga babae sa paligid ni Les. Hindi magkamayaw ang mga babaeng iyon sa pagpapapansin kay Les na akala mo'y artista ang lalaki. Pero hindi naman niya masisisi ang mga babaeng iyon dahil ang gwapu-gwapo ni Les. Pero nakalimutan na ba ng mga ito na may girlfriend si Les?! Pretend girlfriend, anang isang tinig sa isip niya. But still! Napabuntong-hininga na lang si Airin saka iniiwas ang tingin kay Les at sa mga babaeng nagkakagulo dito. Aaminin niyang may kirot siyang nararamdaman kapag nakikita niyang pinapansin ni Les ang mga babaeng iyon. Maybe she was being selfish for she wanted Les' smile to be hers only. Ayaw niyang makita na may ibang babaeng nginingitian o pinapansin ang lalaki. Pathetic. She was being so clingy.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD