bc

I Want Your Love (Tennis Knights #1)

book_age12+
438
FOLLOW
2.9K
READ
love-triangle
friends to lovers
goodgirl
student
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Published under Precious Hearts Romances, 2010

Tennis Knights: Les Crawford

Hindi inaasahan ni Airin na magkakaroon siya ng pagkakataong mapalapit sa lalaking minamahal niya nang lihim-si Alessandro. Ginawa niya ang lahat para maturuan niya itong mahalin din siya. Pumayag siyang maging "pretend girlfriend" nito para makaganti ito sa mortal enemy nito na si Charlie at sa ex-girlfriend nito na nanloko rito.

Habang umaarte silang "magkasintahan" ay naramdaman niya na tila nag-iiba na ang trato nito sa kanya. Labis-labis ang tuwa niya dahil parang unti-unti nang nahuhulog ang loob nito sa kanya. Pero bumagsak ang pag-asa niya dahil lamang sa isang litrato nito na nagpapatunay-at nagbalik sa kanya sa realidad-na kahit kailan ay hindi nito magagawang mahalin siya.

Nalito siya kung alin ang pakinggan niya: Ang isip niyang nagsasabi na "Tama na," o ang puso niyang sumisigaw ng "Kaya mo pa"?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Kabanata 1 "ANG GWAPO talaga ni Les," mahinang ani Airin habang nakatingin sa lalaking nagpa-practice sa may open court. Itinukod niya ang magkabilang braso sa lamesang nasa harapan. Ipinatong niya ang ulo sa mga kamay saka napabuntong hininga. "Look at his muscles. Dayum. Parang ang sarap pisil-pisilin. At kahit pawis na pawis na siya, parang ang bango-bango pa rin niyang tingnan." Airin was currently here at the open court of Saint Vincent University. Dito siya nag-aaral sa kursong Accountancy. Nasa ikaapat na taon na siya. Dito sa open court nagpa-practice ang iba't ibang sports club ng SVU at kapag ganitong oras, ang tennis club ang umookupa ng court. Pero mostly, ang tennis club ang madalas na nandito sa court na 'to. Ang kanina pang pinagmamasdan (hindi inii-stalk, okay) ni Airin ay ang ultimate crush niyang si Alessandro Crawford o Les sa mga kaibigan nito. At dahil close sila (sa panaginip niya), Les na rin ang tawag niya sa lalaki. Si Les ay myembro ng tennis club ng SVU. Bukod sa kaguwapuhan nitong taglay, sikat na sikat ito sa SVU dahil sa galing nito sa paglalaro ng tennis. Marami ngang female students sa SVU ang nagkakagusto kay Les dahil doon. At syempre, isa na siya sa mga 'yon. But that wasn't the sole reason why Airin liked Les. Okay, gusto niya ito dahil gwapo ito at magaling na tennis player pero nagustuhan din niya si Les dahil hindi ito mayabang 'di tulad ng ibang varsity players. Down-to-earth si Les sa kabila ng mga achievement nito. Hindi rin ito kagaya ng ibang varsity players (hindi niya nilalahat, ha) na walang laman ang utak. Hindi pabaya si Les sa pag-aaral. In fact, consistent Dean's Lister nga ito. Paano nalaman ni Airin ang lahat ng ito? Simple. Nag-research siya. Research talaga 'yan, hindi stalking. Magaling si Airin pagdating sa mga ganitong bagay. Because of her so-called research, she learned so many things about Les (which were public knowledge naman din so...). His full name was Alessandro Crawford, the youngest son of Menard and Sandra Crawford. He has an older brother (an alumni of SVU and a popular drummer as well) named Alexander Crawford. Les was currently on his fifth year taking Bachelor of Science in Computer Engineering. Kagaya niya ay graduating na rin ito ngayong taon. Member ito ng tennis club at ito ang vice-captain doon. Sa physical portion naman, jusko, kayang-kaya niyang i-recite kahit nakapikit dahil kabisadong-kabisado na niya ang kabuuang anyo ni Les. Les was tall. His height was around 5'11" the last time Airin checked. Dahil siguro 'yon sa pagkakaroon nito ng dugong banyaga. Half Filipino-half American kasi 'yang si Les. Maputi ito kahit nabibilad sa arawan. Hindi ito umiitim, namumula lang ang balat. Matangos ang ilong nito na binagayan ng mapupulang labi na para bang ang sarap i-kiss. Pero ang pinaka-asset ni Les ay ang kulay asul nitong mga mata na namana nito sa daddy nito. His blue eyes were captivating. Added by the fact that it was framed with thick and long lashes that made her green with envious. It was his eyes that made Airin fell in crush with him. All in all, perfect ten ang ibibigay niyang points kay Les pagdating sa physical attributes nito. "Sabi ko na nga ba't nandito ka lang babae ka," anang tinig dahilan nang pagpiksi ni Airin. Idagdag pa na nagulat siya dahil may kung anong bumagsak sa harapan niya. Binalingan ni Airin ang nagsalita at ang bumungad sa kanya ay ang nakapameywang niyang kaibigan na si Skye. Kaklase niya ito noong first year college siya pero nag-shift ito ng kurso. From Accountancy ay nag-Fine Arts ito dahil iyon daw talaga ang calling ito. Sa kabila n'on, nanatili pa rin silang magkaibigan na dalawa. In fact, ito ang maituturing niyang best friend. "Wala ka bang klase, Skye?" nakataas ang kilay na aniya sa kaibigan pagkaupong-pagkaupo nito sa tabi niya. "Wala. Ikaw ba walang klase? Aba, Airin Nessa, baka puro pagtunganga na lang kay Alessandro ang ginagawa mo. Ayusin mo ang buhay mo kundi, naku!" gigil na anito na para bang nanay niya ito. Nandidilat pa ang mga mata nito. Nginisihan lang ni Airin si Skye. Itinutok na niya ang paningin kay Les na ngayon ay nasa court at kalaban ang ka-team nitong si Cloud. Doubles game ang forte ni Les at ang ka-doubles team nito palagi ay si Cloud pero hindi miminsan na nagpa-practice ito ng Singles game. Ang say ng ilang naitanong niya, gusto daw ng coach ng tennis club na maging flexible ang mga member ng club. Tinaguriang Golden Duo si Les at Cloud sa buong SVU dahil sa perfect tandem ng dalawa pagdating sa paglalaro ng tennis. "Wala rin akong klase, okay. Kaya free akong tumunganga at titigan magdamag si Les. At for your information, maayos naman ang buhay ko. Sa sobrang ayos nga, minsan parang trip kong guluhin, eh. Cool, 'no?" pang-aasar ni Airin kay Skye pero hindi pa rin naaalis ang tingin niya kay Les. She could not look away from Les. She was watching his every step, his every move, as if she was in trance. "Malala na 'yang sapak mo, Airin. Hindi ko naisip na darating ang panahon na makikita kitang nagkakaganyan dahil sa lalaki. Ilang taon ka na nga, 'te?" Kahit hindi nakatingin, alam niyang naiiling ang kaibigan niya ngayon. Kahit naman si Airin, hindi rin makapaniwala na mahuhumaling siya sa isang lalaki nang ganito katindi. Paano ba naman, puro pag-aaral at libro ang inaatupag niya nitong mga nakaraang taon. Kung hindi librong related sa course niya, romance novels ang hawak niya. Pero nang makilala niya si Les, wala na siyang naging bukambibig kundi Les, Les, at Les. Wala na siyang ibang nakikita kundi si Les. Wala na siyang ibang kilala kundi si Les. Wala nang ibang sinisigaw ang puso niya kundi pangalan ni Les. Kulang na lang, eh, maging Les na rin ang pangalan niya. Hindi siya obsessed, ah. Talagang humahanga lang siya kay Les. It was the first time Airin felt something like this, that was why she did not know how to tone down this crushy feeling. "Iba na 'to, best. I think I'm in love, think I'm in love, with Les. Every single day, every single night, I want to spend them all, with Les," kanta niya saka ngumisi. "Napakanta pa ako ng wala sa oras." Bigla siyang binatukan ni Skye. Sapo ang ulo na sinimangutan niya ang kaibigan. "Inaano ba kita't nambabatok ka, ha, Skye? Bakit nang-aano ka? Inaano ba kita? Ay, redundant na. Ang panget na." Nagpakawala ito ng hangin saka siya tiningnan nang maigi. "Love agad? Hoy, Airin, infatuated ka lang kay Les. Kakakilala mo lang sa kanya kahapon, in love agad? Masyado kang exaggerated! Bruhang 'to." "Mas exaggerated ka! Anong kahapon? Three months ko na kaya siyang kilala, duh. Three months but it's as if I knew him since forever," aniya saka kumalumbaba. "If this isn't love, then what is this?" "You've never been in love, Airin, kaya paano kang nakasisiguro na love mo na nga si Les at hindi lang 'yan infatuation? Kasasabi mo lang, three months mo pa lang siyang kilala. Sa three months na 'yon, nagkausap ba kayo? Hindi, 'di ba? You are just admiring him from afar." Humalukipkip si Airin saka iningusan si Skye. May point naman ang kaibigan niya pero! "Kung hindi pa nga siguro kayo nagkabanggaan at kung hindi ka siguro tanga, baka nga naka-graduate ka na't lahat, hindi mo pa rin siya nakilala," pagpapatuloy ni Skye. Biglang natigilan si Airin saka napaisip. Tama naman si Skye. Hindi pa na-i-in love si Airin kaya hindi rin siya sigurado sa feelings para kay Les. Pero kung anuman 'tong feelings niyang 'to, she would simply enjoy this by looking at Les from afar. Dahil kung hindi nga sa pagkakabanggaan nila ni Les n'on, hindi niya malalamang may isang Alessandro Crawford ang pagala-gala sa SVU. But maybe it was destiny. It was destiny that made it possible for them to meet each other on that fateful day... NAGMAMADALING naglalakad si Airin. Patingin-tingin din siya sa suot niyang relong pambisig. May usapan kasi sila ng best friend niyang si Skye na magkikita sa may Botanical Garden na matatagpuan sa likuran ng University Gym. May sasabihin daw kasing importante si Skye sa kanya. Ang usapan nila ay alas dos ng hapon pero dahil sobrang tutok siya sa pagbabasa ng romance novel sa library ay nakalimutan niya ang oras. Kaya 'eto ang kinalabasan, late na siya ng isang oras. Kuu, paniguradong umuusok na ang tainga at bumbunan (at kung ano pa ang pwedeng umusok) ni Skye sa sobrang tagal nang paghihintay nito sa kanya. "Patay ka, Airin Nessa. Tiyak na bubugahan ka ng apoy ni Skye. Sayang ang cuteness mo, jusko," pagkausap ni Airin sa sarili at muling tiningnan ang relong pambisig. Dahil hindi siya nakatingin sa dinaraanan, naramdaman na lang niya ang sariling bumangga sa isang matigas na bagay. Napaupo siya sa sobrang lakas ng impact. Nabitawan niya ang hawak na mga libro nang itinukod niya ang mga kamay sa sahig. "Aray," daing ni Airin habang sapo-sapo ang nasaktang mga kamay. Idagdag pang nasaktan din ang pang-upo niya. "I'm sorry, Miss. Here, let me help you," anang isang malagom na tinig. Agad na tiningnan ni Airin ang pinagmulan ng tinig na iyon. Ang unang bumulaga sa kanya ay isang pares na kulay asul na mga mata. Cool and refreshing. Worry was written all over his face as he looked at her. Ang matigas na bagay pa lang nabangga niya ay ito, ang katawan nito. Wow. Gawa ba saan ang katawan nito at gano'n ka-hard? Inilahad nito ang kanang kamay kay Airin at parang nahihipnotismong ginagap niya iyon. Inalalayan siya nito sa pagtayo. Kapagkuwan ay pinulot nito ang mga libro niya saka iyon inabot sa kanya. "Here. Sorry ulit." "Thank you. And sorry din. Hindi kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko kaya—" "No. I'm the one who should be saying sorry. Nagmamadali din kasi ako kaya hindi kita napansin," putol nito sa paghingi ng paumanhin ni Airin. "Are you okay? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Umiling si Airin at kiming nginitian ang lalaki. "I'm fine. Wala namang masakit sa 'kin," pagsisinungaling niya at pasimpleng itinago sa likod ang mga kamay. Ramdam kasi niya ang hapdi doon. Nagasgasan siguro nang itinukod niya. Nanlaki ang mga mata ni Airin nang bigla na lang hinawakan ng lalaki 'yong braso niya. Masuyo nitong hinila ang braso niya hanggang sa nasipat nito ang mga kamay niya. "s**t. I'm really sorry," anas nito. He was about to touch her hand when he stilled. Ngayon lang natitigan nang maigi ni Airin ang mga kamay. Nagdurugo iyon pero hindi naman malala. "This is bad. Dadalhin na kita sa clinic." "Pero—" "No buts, Miss. Mahirap na at baka maimpeksyunan pa ang kamay mo. Sayang, maganda pa naman." Airin wanted to let out a dreamy sigh when she noticed how worried he was when he saw her wounds. Bihira na kaya 'yong ganitong lalaki. Meron pa nga, nakabangga na 'tapos deadma pa. Ang masaklap, 'yong iba, nakabangga na nga, galit pa! But this guy, he was different. Nagprisinta pa itong samahan siya sa clinic. That was nice. Airin could feel that this wasn't an act. It was a simple gesture but in this kind of era, this was plenty already. "Okay," pagsang-ayon ni Airin sa lalaki. Magaan siya nitong hinawakan sa bisig saka iginiya papunta sa clinic. All the while, Airin could not help but think how handsome this guy was. "LILINISIN at lalagyan lang naman ng bandage ang sugat mo kaya kahit ako na lang ang gagawa. Kung hihintayin pa kasi natin si Nurse Jen, baka labasan na ng tren 'yang sugat mo, wala pa siya," anang lalaking nakabangga ni Airin. Hala! Hanggang ngayon pala, hindi pa niya natatanong ang pangalan nito. Kasalukuyan itong naghahalungkat sa medicine cabinet ng gamot at bandage. Bahagyang natawa si Airin dahil sa joke nitong corny. Sandali pa lang silang nagkakausap nito pero napansin niyang palabiro ito at makulit. First impression niya kasi sa lalaki ay tahimik ito. But Airin was wrong. He was the exact opposite of her first impression of him. "Iabot mo na lang sa 'kin 'yong gamot at bandage. Ako nang bahala sa sarili ko. May pupuntahan ka pa, 'di ba?" ani Airin. "Ilang beses ka bang inire ng nanay mo at bakit ang kulit mo?" baling nito sa kanya saka ngumiti nang malapad. Para ngang naging light blue ang mga mata nito dahil sa malambot na ekspresyon doon. Dahil din siguro 'yon sa tumatamang liwanag galing sa ilaw. Cool. "Hindi ko po alam, eh. Siguro mga ten," pagbibiro ni Airin. Naiiling na tumawa ito bago ibinalik ang pansin sa paghahalungkat sa medicine cabinet. Si Airin naman ay nagpatuloy sa pagtingin sa kabuuan nito. He has a nice back and behind. Panlalaki talaga ang katawan nito. "Are you okay?" Napapiksi si Airin. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito sa kanya. Paano ba nama'y natutula siya sa likod nito (sa likod, ha, sa likod! Hindi sa pang-upo!) "Okay lang po ako," namumula ang pisnging sagot ni Airin. Bahagya siyang yumuko para itago ang pamumula ng mga pisngi. Kinuha nito ang Monobloc chair sa gilid at pinuwesto iyon sa harapan niya. Umupo ito doon saka ginagap ang bisig niya. "Sabihin mo kung masakit, ha." Akmang tatango na si Airin nang matitigang maigi ang boteng hawak nito. Alcohol. Literal na nanigas siya nang makita iyon. Takot na takot siya sa alcohol. Kapag nasusugatan siya, sabon lang ang ginagamit niya! "W-what are you doing?!" bulalas niya at mabilis na nagpumiglas sa pagkakahawak nito. Kaagad niyang itinago sa likod ang mga kamay. Aba, kahit masarap sa feeling na hawak nito ang kamay niya, mas nangibabaw pa rin ang takot niya sa alcohol, 'no. "Lilinisin ang sugat mo, malamang." "Bakit alcohol 'yang gamit mo? Wala bang ano d'yan, uh, betadine?" "Don't tell me takot ka sa alcohol?" may himig pang-aasar sa tinig nito. His blue eyes were sparkling with amusement, as if the thought of her being afraid of alcohol was so damn funny. Pinandilatan ni Airin ang lalaki saka ito inirapan. "Of course not! Hindi ako takot sa alcohol. Sisiw. Maliit na bagay. Gusto mo pa inumin ko 'yan, eh!" "Iyon naman pala, eh." Mabilis nitong hinawakan ang bisig niya saka iyon inilapit sa mukha nito. Akmang papahiran nito iyon ng bulak na may alcohol nang dali-dali niyang itinulak ang mukha nito. "Teka! Hindi pa ako prepared! My God! Masakit 'yan! Mamamatay ako, promise!" nagpa-panic na ani Airin habang nakapikit nang mariin. Wala siyang narinig na sagot galing sa lalaki. Hindi rin niya naramdaman ang pagdampi ng bulak na may alcohol sa kamay. Dahan-dahan siyang dumilat at nang tumutok sa lalaking kaharap ang tingin, saka niya naalalang pigil-pigil niya ito sa mukha. Dali-dali niyang inalis ang kamay sa mukha nito. She noticed the full-blown amusement that was written all over his face. Bahagya rin umaalog ang balikat nito tanda nang pagpipigil nito sa pagtawa. Asar. But he looked so damn handsome right now. "Ano'ng nakakatawa, ha?!" hindi napigilang singhal dito ni Airin para pagtakpan ang pagkapahiya. "Ikaw. Parang alcohol lang, natakot ka na. Para kang bata," nakangising anito. Itinakip pa nito ang kamay sa bibig para siguro itago ang pagtawa nito. Pero hindi pa rin nakaligtas sa pandinig niya ang tawa nito. Asar talaga. Again and again, he looked so handsome and adorable right now but still! Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Hindi nakakatawa 'yon!" "Okay." "Hindi nga sabi, eh!" "Oo na." Nagpatuloy pa rin ito sa pagtawa. Humalukipkip si Airin habang nakalabi. Inismiran niya ang lalaki at iniwas dito ang tingin kahit huminto na ito sa pagtawa. "I'm done laughing." Tumikhim ito para pigilan siguro ang pagtawa ulit. Nang binalingan ito ni Airin ay nagtama ang tingin nilang dalawa. "Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Alessandro Crawford. Fifth year student, from engineering department. Nice to meet you..." he trailed off. "Airin. Airin Nessa Chua. Nice to meet you, too, kahit na inaasar mo ako," nakalabing sagot niya. Pangalan pa lang, ulam na. Idagdag pa ang katawan, hala, lunch time na, anang pilyang bahagi ng utak niya. Inilahad nito ang palad sa kanya. Wala sa sariling ginagap niya iyon. Tutok na tutok sa mga mata nito ang pansin niya. Napaigik na lang siya nang may naramdamang kirot sa kamay. "There. Dapat pala aliwin lang kita para hindi ka makaramdam ng takot. Medyo mahapdi talaga pero hindi naman nakakatakot, 'di ba?" Nagtatakang tiningnan ni Airin si Alessandro at napansin niyang nakatingin ito sa kamay niya. Ang akala niya ay makikipag-shake hands lang ito! Iyon pala, pasimple na nitong ginamot ang kamay niya. Okay din pa lang distraction ang mga mata nito. "I'll wrap it using this bandage then you're ready to go. By the way, you have a nice name, Airin." Namula ang buong mukha ni Airin dahil sa sinabi nito. Hindi naman siya naghihikahos sa papuri pero ito 'yong first time na nag-blush siya dahil lang sinabing maganda ang pangalan niya! Pangalan pa lang niya 'yon, affected na siya! My God. "Good as new," ani Alessandro pagkatapos ayusin ang benda sa kamay niya. "Salamat." "You don't have to mention it, Airin," nakangiting sagot nito. Bumuka ang bibig ni Alessandro na akmang may sasabihin pa nang bumukas ang pinto ng clinic at isang lalaki ang iniluwa niyon. "Nandito ka pala, Les! Kanina pa kita hinahanap. Para kang palitaw, badtrip. Hinahanap ka ni Coach Enzo. Sige ka, paikutin ka n'on ng twenty laps sa palibot ng court," anang lalaking bagong dating. "Fine, fine. Susunod na ako." Ngumisi ang lalaking kausap ni Alessandro bago umalis. Kaagad naman siyang binalingan ni Alessandro. "Got to go, Airin. Ingatan mo ang kamay mo, ah." Tumango na lang si Airin habang nakasunod ang tingin sa papalayong pigura ni Alessandro. She pressed her hands against her chest while thinking about this blue-eyed guy who managed to steal her attention. "Alessandro Crawford. Nice name. Nice behind. Nice back. Nice eyes. Nice everything. I crush you na yata, dude," pagkausap niya sa sarili. Yeah, she was weird like that.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wandering One

read
23.6K
bc

THE DESTROYED WIFE (COMPLETED)

read
187.9K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
196.0K
bc

Just Another Bitch in Love

read
40.2K
bc

Unwanted

read
533.5K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
43.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook