A turtle when it comes to writing. I write cute, light, and feel-good stories. Author of Tennis Knights series, KRY trilogy, Ekis Babies epistolary series, and many more.
Tennis Knights: Enzo Guttierez
Enzo had always thought that he wasn't good enough to be loved. Pakiramdam niya ay hindi siya buo. Pakiramdam niya ay kulang siya bilang isang tao. He closed his heart in love, and by doing so, he also put an end to a love that was about to bloom.
For Allie, Enzo was everything she needed. He wasn't perfect but he was all she ever wanted. Hindi mahalaga para kay Allie ang nakaraan. Mahal niya si Enzo, ang lahat-lahat dito. Enzo was all that mattered even if he wasn't feeling the same way.
Their past and present experiences shaped them into who they were right now. Would they be able to face the problems coming in their way so they could face the future together, hand-in-hand?
An online story that involves unrequited feelings, denials, facebook chats with a whole lot of stupid moments between a secret admirer and a hurting bartender.
An online story that involves weird conversations, sparks, facebook chats with a whole lot of funny moments between a romance reader and a weirdo stranger.
The continuation of an online story that now involves not-so subtle feelings, dates, facebook chats with a whole lot of frustrating moments between an awkward romance writer and a not-so cyborg drummer.
Published under Precious Hearts Romances, 2010
Tennis Knights: Chuck Del Mundo
Ian's boyfriend Aiden, left her for another girl. Wala na raw itong nararamdamang spark para sa kanya kaya mas mabuting maghiwalay na sila. Sa gitna ng pagdadalamhati niya ay nakilala niya si Chuck del Mundo. Unang pagkikita pa lamang nila ay pulos kabaitan na ang ipinakita nito sa kanya. Kapag down na down siya ay bigla itong sumusulpot at pinasasaya at pinalalakas ang loob niya.
Hanggang sa maramdaman niyang unti-unti na nitong pinapalitan sa puso niya si Aiden. Kahit hindi nito tahasang sabihin ay alam niya ang ibig sabihin ng panunuyo nito at ng minsang pagkanta nito sa kanya ng love song sa cell phone.
Hindi pa niya kayang mag-entertain ng panibagong pag-ibig. Pero kaya rin kaya niyang bale-walain ang ibinubulong ng kanyang puso? Handa na ba siyang isugal ang kapalaran ng kanyang puso?
Published under Precious Hearts Romances, 2010
Tennis Knights: Cloud Valeroso
Nagtataka si Cloud kung bakit parang galit na galit sa kanya si Skye. Gusto niyang alamin ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya, pero hindi niya alam kung paano siya magsisimula. But it seemed fate was on his side. May nalaman siyang sekreto nito. Ginamit niya iyon para i-blackmail ito. Ang plano niya ay turuan ito ng leksiyon. Pero tuwing nagkakasama sila ay tila siya ang natututo mula rito. Hindi niya inasahang sa tulong nito ay madali niyang mauunawaan ang totoong kahulugan ng pag-ibig.
Published under Precious Hearts Romances, 2010
Tennis Knights: Les Crawford
Hindi inaasahan ni Airin na magkakaroon siya ng pagkakataong mapalapit sa lalaking minamahal niya nang lihim-si Alessandro. Ginawa niya ang lahat para maturuan niya itong mahalin din siya. Pumayag siyang maging "pretend girlfriend" nito para makaganti ito sa mortal enemy nito na si Charlie at sa ex-girlfriend nito na nanloko rito.
Habang umaarte silang "magkasintahan" ay naramdaman niya na tila nag-iiba na ang trato nito sa kanya. Labis-labis ang tuwa niya dahil parang unti-unti nang nahuhulog ang loob nito sa kanya. Pero bumagsak ang pag-asa niya dahil lamang sa isang litrato nito na nagpapatunay-at nagbalik sa kanya sa realidad-na kahit kailan ay hindi nito magagawang mahalin siya.
Nalito siya kung alin ang pakinggan niya: Ang isip niyang nagsasabi na "Tama na," o ang puso niyang sumisigaw ng "Kaya mo pa"?
The Cereal Girl meets the Cereal Prince. The Cereal Girl likes the Cereal Prince. Then the Cereal Killer enters the scene. He steals the precious cereal and along the way, he steals the Cereal Girl's heart. Ito ang love story na iikot sa cereal, bangayan at sige, sa cereal na lang ulit.