Kabanata 1
Kabanata 1
UMIILING na nilapitan ni Cloud ang coach s***h captain ng tennis club na si Enzo. Kaibigan niya si Enzo at kaklase na rin simula noong first year college sila sa kursong Bachelor of Science in Computer Engineer dito sa Saint Vincent University. Nabuo ang barkadahan nila dahil nasa isang block section sila. Nagkakasawaan na nga sila sa totoo lang. Graduating na sila ngayong taon kasama ang anim pa nilang mga kaibigan.
Ang barkadahan nila ay binubuo ng siyam na katao. Si Les, Chuck, Reus, Guji, Kei, Chase, Enzo, Rein, at siya. Hindi nila kaklase si Rein dahil mas bata ito ng dalawang taon kaysa sa kanilang walo. Naging kabarkada nila si Rein dahil naging miyembro ito ng tennis club na kinabibilangan din nilang walo.
Sa barkadahan nila, si Enzo ang pinakamatanda—buwan lang ang pagitan nito sa kanila—habang si Rein naman ang pinakabata. Si Reus naman ang isip-bata. Siya naman ang pinakaguwapo.
Magkakaiba ang ugali nilang siyam pero sa kabila nang mga pagkakaiba, nagki-click naman ang mga ugali nila... minsan.
Pang-asar nga ni Reus na sa kanilang magbabarkada, siya raw ang may pinakamataas ang pride. Aminado naman si Cloud doon. Kung nasusukat ang pride, siguro kasing taas ng Eiffel tower ang pride niya. Kung nakakatangkad nga daw ang pride, baka mas matangkad pa raw siya kaysa kay Yao Ming ngayon. Na palagi ay sinasagot lang ni Cloud ng ngisi.
Maybe the reason for this was his background. Lahat silang magkakaibigan ay masasabi ni Cloud na kabilang sa mataas na antas ng lipunan. His parents were well-known painters here and abroad. Kuha niya lahat ng luho niya, lahat ng gusto niya. Pero alam naman ni Cloud ang limit niya.
Napakamot ng kilay si Cloud. Nandito siya ngayon sa open court dahil may practice game silang mga miyembro ng tennis club. Kalimitan ay sila ang gumagamit nitong open court. Kung hindi man sila ang naka-schedule, ang mga nasa volleyball team naman.
Pero heto nga't hinahanap ni Cloud ngayon ang missing-in-action niyang partner na si Les. He was nowhere to be found, which was new. Kapag kasi may ganito silang practice game, si Les pa ang nauunang dumating sa court. Huwarang vice-captain kasi ito.
Kaya si Les ang hinahanap niya ngayon ay dahil ito ang ka-doubles niya. Kapag may practice game, sila ang palaging magka-partner o magka-team. Tinagurian nga silang Golden Duo dahil kapag nag-team up na sila, wala nang makatatalo sa kanila.
"Captain Enzo, where's my ever-loving partner-in-crime? Miss ko na siya," pakuwelang sabi ni Cloud nang makalapit kay Enzo.
Mula sa binabasa nitong maliit na notebook ay kaagad siya nitong binalingan. Inayos pa nito ang salamin nito sa mga mata na alam naman niyang walang grado at pang-dekorasyon lang. Hindi naman kasi Malabo ang mga mata nito. Ang sabi nga ni Reus, kaya lang daw nagsasalamin si Enzo ay para ma-enhance ang kaguwapuhan nito. Tinatawanan nga nila 'yon pero siyempre palihim lang. Kapag kasi nalaman at narinig ni Enzo na pinagti-trip-an nila ito ni Reus, paniguradong lagot silang dalawa.
Kung malakas kasing mang-trip si Cloud at Reus, doble ang tindi ni Enzo. Hindi lang halata kasi nga seryoso ito. Simple lang ito kung gumanti pero taob silang lahat dito. Kung hindi sila nito paglilinisin ng buong court, papaikutin naman sila nito sa court ng dalawampung ulit. Minsan nga, limampu pa. Ganyan ang paraan ng pangti-trip ni Enzo. Brutal. s*****a.
"Les is with his pretend girlfriend right now," seryosong sagot ni Enzo saka ibinalik ang tingin sa notebook nito.
"Mas guwapo ako kaysa sa notebook mong 'yan, Coach. Kaya ako na lang ang tingnan mo. Hindi ka magsisisi," hindi napigilang pagbibiro ni Cloud, na alam niyang pagbabayaran niya nang malaki.
"Uyy. Pinagseselosan ni Cloud ang notebook ni Enzo? Kelegs," singit ni Reus. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ang kaibigan. Sa kamay nito ay ang raketa nitong iwinawagayway pa nito.
"Twenty laps around the court, now!" biglang sigaw ni Enzo at itinuro silang dalawa ni Reus.
Sabi ko na nga ba, eh.
Napabuntong-hininga na lang siya kasabay nang pagkibit-balikat ni Reus. Nauna na itong tumakbo paikot sa court. Akmang susundan na ito ni Cloud nang mahagip ng paningin niya ang isang pigurang papalapit kay Enzo.
Babae ang papalapit sa kanila ni Enzo. Isang tsinita at magandang babae. Malayo pa lang ito pero napansin na niya kaagad ang kagandahang taglay nito. Maamo ang mukha nito na para bang naghihingi nang proteksyon mula sa mga taong tumitingin dito. Singkit ang mga mata nito at may katamtamang tangos ng ilong. Pero ang best asset nito ay ang mapupula at parang kay sarap halikan nitong mga labi.
Huminto ang babae sa mismong tapat ni Enzo at Cloud. Nanatili si Cloud sa kinatatayuan kahit na ba inutusan na siya ni Enzo na umikot sa palibot ng court. Curious kasi siya kung ano ang sadya nitong babaeng ito sa court. Saka mahirap na. Base sa itsura nito, baka isang bulyaw lang ni Enzo ay umiyak na ito.
Wala sa sariling tinitigan nang maigi ni Cloud ang dalaga. Nangunot ang kanyang noo nang parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Parang nakita na niya ito. Parang may isang bumbilya ang sumindi sa utak niya nang maalala kung saan niya unang nakita ang babae.
How could he forget that innocent face? It was years ago but the memory was still vivid in his mind, as if it was only yesterday. It was his first day at SVU as a freshman...
MAY PAGMAMADALI sa lakad ni Cloud. Unang araw ng pasukan pero na-late siya ng gising. Tumunog siguro ang alarm clock niya pero malamang sa, hindi siya nagising. Kaya heto ang kinalabasan. He wanted to have a good first impression to his classmates but because of his damn alarm clock, he was failing.
Napagod kasi siya kagabi dahil sa pamamasyal kasama ang pamilya. Inabot sila ng halos madaling araw sa labas. Minsan lang kasi kung mabuo ang pamilya nila. His parents were always abroad while his little sister was living in the province with their aunt. Kaya naman kapag nabubuo silang pamilya, talagang sinusulit nila.
Ang kinalabasan? Late na siya ngayon. Kung hindi ba naman nakakaloko, first day na first day pa.
Dahil sa sobrang pagmamadali ni Cloud ay hindi na niya napansin pa ang paligid niya. Nabigla na lang siya nang mabangga siya. Dahil mabilis ang reflexes ay kaagad niyang naalalayan ang nakabangga niya.
A girl.
Nakapulupot ang braso niya sa baywang nito at para siyang tangang nakatitig sa mukha nito. Cloud had seen cute and pretty girls and some of them liked him but this was the first time he became enthralled like this.
"Sorry," anang nakabangga niya at wala nang sinabi pa't tinalikuran na siya.
It was a short meeting but it left a deep impact inside of him. Napailing na lang si Cloud sa takbo ng isip. Imbes na magmadali siya pagpunta sa classroom dahil late na siya, nagawa pa niyang tumunganga at mag-isip ng kung anu-ano.
At nagawa pa niyang tanawin ang papalayong pigura ng babaeng nakabangga! Lintek naman.
"What's gotten into me?" mahinang bulong ni Cloud sa sarili kasabay nang pagbuga nang hangin.
"IKAW ba si Enzo?" ang tinig ng babaeng iyon ang pumukaw sa pagbabalik-tanaw ni Cloud.
So, it's really her, huh? aniya sa kanyang isip.
Muli ay sinipat ni Cloud ang babae. Napansin niyang wala halos pagbabago ang naganap dito. She was still as pretty as before. If not more.
"Siya nga si Enzo," hindi napigilang sagot ni Cloud kahit na ba hindi naman siya ang kinakausap o tinatanong ng babae.
Hindi dahil gusto niyang siya ang kausap nito o gusto niyang sa kanya tumutok ang pansin nito. Naisip lang niya kasing baka paiyakin ito ni Enzo. Baka kasi kagaya ito ng ibang babae na isang masamang tingin at bulyaw lang ni Enzo, ngangawa na.
But Cloud was wrong.
Binalingan siya nito at napansin niya ang hayagang pagsipat nito sa kabuuan niya. Cloud wasn't being conceited but he knew he was handsome. Stares from girls wasn't a new experience to him. Pero ang ikinagulat niya ay ang biglaang pagkunot ng noo nito at pasimple nitong pag-ismid.
What the f**k?!
What's wrong with this girl?
"Ikaw ba ang kinakausap ko?" nakataas ang kilay na wika nito. Hindi alam ni Cloud kung imahinasyon lang niya ba pero parang tumalim ang tingin nito sa kanya.
Ang maamong mukha nito kanina ay parang nag-transform at naging isang tigre na handang manakmal anumang oras. Who said this girl has an innocent face again? Definitely not him.
"Nagmamagandang-loob lang ako, Miss—"
"Pwes, hindi ko kailangan 'yang pagmamagandang-loob mo," sikmat nito. At tama nga siya, kaytalim ng tingin nito sa kanya. Kung nakamamatay lang ang tingin, nabawasan na siguro ng pogi sa SVU.
Hindi niya maiwasang magtaka sa asta nito. Hindi rin niya maiwasang makaramdam ng inis dahil sa panonopla nito sa kanya. Tinutulungan na nga niya ito pero ito pa ang may ganang magtaray sa kanya? Nasaan ang katarungan doon?
"Teka lang, Miss—"
"Huwag ka kasing sabad nang sabad kapag hindi ka naman kinakausap!" muli ay pagtataray nito sa kanya. Ni hindi man lang ito nag-abalang patapusin siya sa sinasabi.
Mariing napapikit si Cloud kasabay nang paghugot ng hangin. Hindi niya alam kung bakit ba siya pinagsusungitan ng isang ito. Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang kasalanan dito para tarayan at soplahin siya nito nang ganito. Hindi niya ugali na pumatol sa babae dahil hindi siya ganoon pinalaki ng mga magulang pero inuubos ng isang ito ang pasensya niyang sa pagkakaalala niya'y kasing haba ng EDSA.
"Hey—"
"I'm still not talking to you so shut up!"
"Aba't—"
"Just go, Cloud. May pinapagawa ako sa 'yo, 'di ba?" singit ni Enzo na nakalimutan niyang nandoon din pala.
Napabuga siya ng hangin saka tinanguan si Enzo. "Okay."
Tumalikod na si Cloud at iniwan ang dalawa na ngayon ay nag-uusap na. Hindi talaga maarok ng kanyang isipan ang dahilan kung bakit siya tinarayan ng babaeng iyon. Wala siyang maalalang nagawang mali dito. Sa pagkakatanda niya, ang una't huli nilang pagkikita ay noong nagkabanggan sila noong unang araw niya bilang freshman.
B-in-asted ba niya ito kaya galit ito sa kanya? Malabong hindi niya maalala 'yon.
Kunot-noong tinakbo ni Cloud ang paligid ng open court kasabay nang pagbangon ng inis sa kanyang dibdib. Inis dahil bigla-bigla'y sinopla at tinarayan siya ng isang babae sa hindi niya malamang kadahilanan. Inis dahil hindi siya nito pinansin o hinangaan man lang. Inis dahil hindi niya natanong ang pangalan nito.
Ito yata ang unang beses na imbes na paghanga'y pagkaasar ang sinalubong sa kanya ng isang babae.
Ang hirap aminin sa sarili na naiinis siya dahil nasaling ng babaeng iyon ang pride at ego niya.
Kaagad na pinunasan ni Cloud ang pawis na tumatagaktak sa kanyang leeg nang matapos niyang takbuhin ang paligid ng open court... ng dalawampung ulit. Lintek na Enzo talaga. Napaka-brutal.
Hindi naman siya nakaramdam ng pagod. Paano ba naman, parang sanay na yata ang katawan niya dahil ganyan at ganyan palagi ang punishment ni Enzo sa kanila. Saka sa kabila ng pagiging mayaman, tinuruan siya ng mga magulang na magbanat ng buto. Tinuruan siya ng mga ito na maging independent.
Hindi lang niya alam kung ano'ng koneksyon niyan sa pagtakbo ng dalawampung ulit sa palibot ng court.
Ang akmang pag-inom ni Cloud ng tubig ay napatigil nang mapansin mula sa sulok ng mga mata ang pigura ng babaeng palabas ng university gym. It was that girl.
Inilapag niya ang bottled water sa bench saka walang kibong nilapitan—o sinundan—ang babaeng iyon. 'Ni hindi nga napansin ng babae na sinusundan niya ito dahil marahil sa malalim nitong pag-iisip.
Akmang tatapikin niya sa balikat ang babae para ipabatid ang kanyang presensya nang bigla na lang itong natapilok. Napaluhod pa ito sa sementadong sahig. Kung hindi nito siguro naitukod ang mga kamay nito sa sahig, baka maging ang mukha nito ay humalik na sa sahig.
"Aw. s**t!" narinig niyang wika ng babae.
Walang pag-aalinlangang hinawakan ni Cloud sa magkabilang braso ang babae saka ito inalalayan sa pagtayo. 'Ni hindi na niya naisip na tinarayan siya nito kanina, ang naisip na lang niya sa mga oras na iyon ay ang nasaktang dalaga. Gusto lang niya itong tulungan.
"Are you okay?" nag-aalalang aniya sa babae.
Marahan itong bumaling sa kanya kasabay nang pamumula ng mukha nito. Dahil siguro sa pagkapahiya. Tumalim ang tingin nito sa kanya saka pumiksi mula sa pagkakahawak niya sa braso nito.
"I'm fine. Don't touch me," sikmat nito.
Itinaas ni Cloud ang magkabilang palad. "Easy."
Umismid lang ito.
Napansin niya ang marahas na pagbaling sa kanya ng babae at ang bahagyang pamumula ng mukha nito. Marahil ay dahil sa nasaksihan niya ang pagkatapilok nito.
"Tell me, Miss. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa 'yo at parang galit na galit ka sa akin?" hindi na napigilang tanong ni Cloud sa babae.
Napansin niya ang biglang pag-ulap ng mga mata ng babae pero kaagad din iyon nawala.
"Wala kang pakialam kung gusto kitang sungitan! Just leave me alone!" asik nito sa kanya.
Hindi na napigilan ni Cloud ang pagngisi nang may maisip siyang kalokohan. Humalukipkip siya saka pinagtaasan ng kilay ang babae. "Siguro may gusto ka sa akin, 'no? At hindi kita napansin kaya ngayon ay ganyan ka kagalit sa 'kin."
Lalong naningkit ang mga mata nito at sa pagkagulat ni Cloud ay walang babalang bigla siya nitong inundayan ng suntok sa mukha. Kahit nagulat ay bahagya siyang nakaiwas dahil sa mabilis na reflexes pero nadaplisan pa rin siya ng kamao nito sa kanyang panga.
Sapo-sapo ni Cloud ang panga. "Why the hell did you do that?!" hindi napigilang sikmat niya sa babae.
"Because you are so full of yourself! Hindi porket guwapo at mayaman ka ay dapat mo nang ipagyabang 'yon! At hindi porket guwapo ka ay dapat ka nang manakit ng damdamin ng ibang tao! For your information, hindi lang ikaw ang guwapo sa SVU!" sigaw nito sa kanya saka siya tinalikuran. Halos tumakbo na nga ito para lang makalayo sa kanya.
Tulalang naiwan si Cloud habang nakasunod ang tingin sa pigura nito. Hindi siya makapaniwala na may isang babae ang nagkaroon ng lakas ng loob na sapakin siya at pagsalitaan ng kung anu-ano. It was a new experience to him.
He clicked his head while massaging his jaw.
Was she in love with him before and he did not notice it? Hmm. Still, what she did was unforgivable.
"You want war, huh? I'll give you war," mahinang aniya sa sarili habang hinihimas ang panga. Unti-unti siyang napangisi.
Nobody gets away from Cloud. If that girl wanted war, he would gladly give her war.
-
-
Note: Sorry if it took me so long to post this. Anyway, please leave a comment and vote. Don't forget to share this as well. Thank you for reading~!
Other Tennis Knights' books available here:
I Want Your Love (Completed) - Les Crawford
Tenses Of Love (On going) - Enzo Guttierez