Kabanata 11 "s**t! Hindi ba talaga kayo aayos, Guji, Reus?!" Ang dumadagundong na tinig na iyon ni Enzo ang nangingibabaw sa open court nang mga sandaling iyon. Hinihintay ni Airin na matapos ang practice game nila Les dahil may lakad sila mamaya. Sa katunayan nga, medyo naghanda siya nang bongga para sa araw na ito. She tried applying a small amount of blush on on her cheeks na dati'y powder lang ang inilalagay niya. Naglagay din siya ng nude lipstick para magmukhang kissable ang mga lips niya. She decided to step up the game. Gusto naman niyang maging desirable sa harapan ni Les, 'no. She wanted to use a mascara or an eyeliner pero hindi niya ma-perfect. Pag-aaralan muna niya in her free time. Manonood siya ng tutorial sa Youtube. Aba, sabi nga ng isang sikat na komedyante, kung hin

