Kabanata 15 "ARE YOU okay, Airin?" Mula sa pagkatulala ay tiningnan ni Airin ang nagsalitang si Mico. Hindi niya namalayang nasa harapan na pala niya ang lalaki. Paano ba nama'y wala siya sa kanyang sarili. Simula nang mag-usap sila ni Les kahapon ay nawala na siya sa tamang katinuan. Ni hindi na nga siya nakapag-concentrate sa mga klase niya kanina dahil sa palagian niyang pag-alala sa naging pag-uusap nila ni Les. Hindi naman niya intensyong iparating kay Les na gusto na niyang 'makipaghiwalay' dito, eh. Gusto lang naman niyang linawin ang totoo, kung nagkabalikan na ba ito at si Heidi. Ayaw naman kasi niyang magmukhang tanga. Ayaw naman niya kasing umasa. Ayaw naman niya kasing lalong masaktan. She loved him but sometimes, she has to look after herself, too. Pero parang minasama ni

