Kanina pa kagat-kagat ni Drake ang ballpen sa bibig nya habang pagalaw-galaw sa swivel chair na inuupuan nya, ilang oras na ba syang nakaupo lang sa loob ng opisina ng Daddy nya? Mag-tatatlo na yata. Wala naman syang alam gawin sa opisina nito. Tangina! kung bakit ba naman kasi sa kanya pa ipinamahala ang Hamilton Academy. Wala naman syang alam at ideya sa pagpapatakbo ng paaralang ito. Tsk! Tsk! Nilapag nya ang ballpen sa lamesa at pinitik iyon, dahilan para malaglag ito sa sahig. Tumayo sya at tinanaw ang kapal ng estudyante mula sa ibaba, unang araw nya sa Hamilton Academy at hindi nya alam kung anong trabaho ang gagawin nya dito. Malaki at malawak ang iskwelahan nila at karamihan sa nag-aaral ay may mga kaya sa buhay. Bihira lang ang mahihirap doon dahil sa mahal ng tuition, pero ka

