"Bibili na din ako ng lulutuin kong ulam," Kanina pa nakabuntot si Wes kay Deveraux. Nasa palengke sila at tapos na nilang bilhan ng gamot ang Lola nito. Mainit sa palengke at maraming tao, maingay ang paligid at sari-saring amoy ang nalalanghap nya. Ngayon lang sya pumasok sa ganitong lugar. Sa bahay nya ay nag-iistock na sya ng pagkain kapag nagpupunta sya ng grocery store. Hindi nya akalaing nandito sya ngayon at sunod ng sunod sa babaeng ito. Pumunta sila sa bilihan ng gulay, chopsuey daw ang lulutuin ni Deveraux, pinagtitinginan sila ng ibang mga namimili roon. Siguro ay nakilala sya ng mga ito. Pinanatag nya ang sarili at waring walang nakikita. "Kuya magkano po itong carrots?" dinig nyang tanong ni Deveraux sa lalaking nagtitinda. Sa kanya ito nakatingin at hindi kay Deveraux. P

