CHAPTER 07

1143 Words
*SOMEONE's POV* Tanginang Wes yan! Hanggang ngayon hindi pa rin namin matagpuan. Masyadong mailap ang gunggong na 'iyon eh. Hindi kami makapormang pumunta sa tinitirhan nya dahil halos lahat pala ng nakapaligid dun eh kilala sya. Wala man lang pwedeng tumapak sa teritoryo ng gago. Parang kontrolado nya lahat ng tao dun. Palibhasa mga katulad nyang wirdo. Di ko alam kung bakit mahal pa rin ng mga kabaranggay nya ang gagong iyon, mukhang pinagtatakpan eh. Wala man lang kaming makuhang matinong sagot. "Anong plano mo Brando?" tanong sakin ni Cadvinn. Humithit muna ako ng sigarilyo at nagpakawala ng usok. May araw din sakin yang Wes Flores na yan, bukas makalawa luluhod yan sa harap ko at magmamakaawa sa ginawa nyang kawalangyaan sa kapatid ko. "Wala akong ibang gagawin ngayon kundi bilangin ang araw nya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa nya sa kapatid kong si Brenda," Lumingon ako kay Cadvinn at nagbaba naman sya ng tingin. Dalawang taon na ang lumilipas buhat nang mawala ang kapatid ko. Dalawang taon na ring nagpapatuloy ang kalayaan ni Wes Flores dahil walang naging matibay na ebidensya para sa kaso. Kulang ang salitang kamatayan para sa kawalangyaang ginawa nya kay Brenda. Ginahasa at pinatay ang kapatid ko. Hindi lang simpleng panggagahasa dahil binaboy nya si Brenda. Pinasakan nya ng bote ang ari at pagkatapos ay isinako sa kung saan. Putanginang adik na 'yon. Oo adik, sinong matinong tao ba naman ang gagawa ng ganoon hindi ba? Pasalamat sya na nasa Amerika ako noong mga panahong iyon dahil kung hindi ay matagal ko na syang nilubog sa lupa. Alam kong bago mangyari ang insidente ay nag-away sila ng kapatid ko. Kung hindi nyo alam, dating kasintahan ng kapatid ko si Wes Flores. Masaya naman sila at ako? walang problema sakin ang naging relasyon nila, unang-una ay dahil alam kong masaya naman silang nagsasama, pangalawa ay mas mabuting magkaroon ng makakasama sa buhay ang kapatid ko dahil kailangan ko rin namang puntahan ang sarili kong pamilya sa amerika. Pero di ko akalain na sa pagbabalik ko, burol na pala ni Brenda ang dadatnan ko. At ang masakit? Hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyan ng katarungan ang kapatid ko. Wala na kaming mga magulang kaya ganoon na lang kasakit sakin na pati ang nag-iisang kapatid ko ay nawala rin. Alam kong si Wes Flores lang ang gagawa 'non. Sino pa ba? Pero dahil malakas ang kapit sa pulis ng walanghiya ay patuloy pa rin syang nakakalaya. Magaling magdeny eh. Ayaw nyang aminin ang ginawa nya. Nagpalamig lang ulit ako sa Amerika at ngayon na nandito na ulit ako sa Pilipinas ay sinisigurado kong may mangyayari na sa kaso ni Brenda. Hindi ako papayag na hindi mabigyan ng katarungan ang kapatid ko. "Tagay muna," Tinanggap ko ang basong inabot sakin ni Paul. Nandito kami ngayon sa resthouse na pag-aari ko. Isang linggo na ko dito pero ni anino ng Wes Flores na iyon ay hindi ko pa natatagpuan. "Chillax ka lang Brando. Nasisiguro kong nakahanda na ang pwesto ni Wes Flores sa impyerno," Nagpakawala ng malakas na tawa si Paul at nakipagkampay ako sa basong itinaas nya. Pansin kong tahimik lang si Cadvinn sa tabi ko. Mukhang kanina pa malalim ang iniisip ng isang to. "May problema ba Cadvinn?" puna ko sa kanya. "H-ha? W-wala. Naisip ko lang si Wes Flores. Kailangang malaman na natin kung saan ang susunod na tugtog nila, tyak na matatagpuan na rin natin 'yon," sabi nito. May punto sya. Bakit nga ba hindi namin naisip 'yon? Kanina ko pa napapansing tila nagngangalit si Cadvinn. Yung ngipin nya ay paulit-ulit nyang pinagkikiskisan sa bibig nya. Bangenge na ata ang putanginang to. Alam ko naman na noon pa ma'y tumitira na ito pero kaya naman nyang dalhin ang droga. "Bro tingnan mo sa page ng Buzz Tone for sure may schedule sila roon," sabi sakin ni Paul. Kinuha ko ang cellphone ko at tama sya may schedule ngang nakalagay kung saan ang mga gig ng gunggong. Minarkahan ko ang isang araw doon kung saan sa isang resto bar sa Pampanga ang magiging gig nila. Ito ang araw na maghaharap kaming dalawa at sinisigurado kong sasabog ang mukha nya. Muli kong nilagok ang alak. "Di ko akalaing magagawa ni Wes ang bagay na iyon kay Brenda at sasapit sa ganoong pangyayari, tingin nyo ba ay si Wes talaga ang gumawa nun kay Brenda?" tanong ni Drake sa gilid ko. Parang hindi sya kumbinsido ayon sa reaksyon ng mukha nya. Apat kaming nandito sa rest house, matatalik na kaibigan ko sila Paul, Drake, at Cadvinn. "Ano bang pinapalabas mo Drake?" Biglang tumaas ang boses ni Cadvinn dahil sa sinabi ni Drake. "Pinapanigan mo ba yung Wes na yon? Gago ka ba? Walang ibang gagawa nun kay Brenda kundi sya lang at sigurado ako don," galit na sabi nito. Nagpapalit-palit lang ako ng tingin sa kanila. Parang biglang uminit ang ulo ni Cadvinn dahil sa nasabi ni Drake. Naiintindihan ko naman sya. Dapat ay hindi pinapanigan ni Drake ang Wes Flores na iyon. Naging malapit din kami kay Wes dati dahil nga kasintahan sya ni Brenda pero hindi sapat na dahilan yun para kalimutan ang lahat ng nangyari. "O-okay easy ka lang," pagsuko ni Drake at itinaas ang dalawang kamay na tila sinasabing hindi sya lalaban. Napailing-iling na lang ako at ganoon din si Paul. "Chill bro," sabi ko kay Cadvinn. Alam kong malapit sya sa kapatid ko noon, mag-bestfriend sila ni Brenda at si Cadvinn ang may pinaka-ayaw kay Wes para kay Brenda. Wala daw syang tiwala sa lalaking iyon. Sa tingin nya daw ay sasaktan lang ni Wes si Brenda. Kaya ngayon ay sinisisi nya kami, kung sana daw ay pinigilan namin ang dalawa noon ay hindi sana sinapit ni Brenda ang nangyari. Sana nga ay hindi na lang din ako umalis at hinayaan kong dito na lang kami manirahan ng pamilya ko sa Pilipinas. Siguro ay nabantayan ko pa ang kapatid ko at hindi magiging malakas ang loob ni Wes Flores para gawin ang lahat ng 'yon. Nagkamali rin ako. Agad akong nagtiwala sa lalaking iyon para sa kapatid ko. Tama pala ang sabi-sabi ng mga tao noon sa kanya, may sa demonyo ang Wes Flores na iyon. "Walang magagawa kung magtatalo-talo pa tayo. Chill lang tayo mga bro. Uminom na lang tayo, ngayon na lang nga ulit tayo nagkita-kita eh," pinilit palamigin ni Paul ang usapan pero tumayo si Cadvinn at akmang aalis. "Oh san ka pupunta Cad?" tanong ko sa kanya. Naging balisa ang mukha nya at parang badtrip na badtrip. Di ko alam kung may iba pa syang dinadala. Base sa mukha nya ay mukhang problemado sya. "Magpapalamig lang ako," sabi nya at tumalikod na samin bitbit ang leather jacket nya. Nagkatinginan na lang kaming tatlo nila Paul at Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD