*Cadvinn's POV* "Hindi mo yata suot ang kwintas mo?" Walang emosyon na tiningnan ko ang mukha ni Mommy habang nakatingin sa bandang leeg ko. Kakauwi lang nila ni Dad galing sa States. "Ibinenta mo?" tanong ni Mommy habang nakataas ang isang kilay. Kitang-kita ang pagiging istrikta sa mukha nya. Umiling ako sa tanong nyang iyon. Nawala ko kasi yung kwintas na 'yon matagal na at hindi ko alam kung saan ko iyon nawala. Hindi ko naman kasi inaalis yun sa leeg ko, pero isang araw nagising na lang ako na wala na at kahit anong hanap ko ay hindi ko na iyon makita. Galing pa iyon sa Lola ko mula sa States. Regalo sa akin kung saan may nakaukit na pangalan ko. Tss! Siguro noong nalasing ako ay doon ko iyon nawala, sa dami ng mga napuntahan ko ay hindi ko na iyon matatandaan. "Alam mo ba kung

