Isang linggo na ang mabilis na lumipas at halos araw-araw ang pagdalaw ni Wes kay Deveraux. Ngayon ay nasa tapat na naman sya ng bahay nito at may hawak na isang punpon ng pulang rosas. Gusto nyang tawanan ang sarili. Kailan pa sya natutong magbigay ng bulaklak sa isang babae? Geez! Sa tatlumpungtaon nyang nag-eexist sa mundo, ngayon lang nya ginawa ang bagay na ito. Wala sa hinagap nyang mangyayari ang ganito, malinaw na nanliligaw sya kay Deveraux. Hindi naman nya ito kailangang madaliin, gaya nga ng sinabi nya ay handa nya itong hintayin, pinapakita lang talaga nya dito ang pagmamahal at pag-ibig nya. Gusto nyang bigyan ito ng bulaklak dahil alam nyang isa iyon sa paraan ng pagpapahayag ng damdamin para sa isang babae. Siguro kung makikita lang sya ni Roz ngayon ay matinding pang

