, pilit nyang pinapahid ang mga luhang di nya magawang pigilan. Ngayon na mag-isa na lamang sya ay hinayaan na nyang bumuhos iyon upang gumaan man lang ang kalooban nya. Muling bumalik sa isipan nya ang nakaraan noong nag-aaral pa sya. Fourth year high school lamang sya noon at iskolar sa Hamilton Academy. Kasalukuyan syang nasa library noon at nagbabasa, wala ang librarian ng mga oras na iyon pero nakapasok pa rin sya dahil hindi naman iyon ipinagbabawal sa mga estudyanteng gustong magbasa. Libre lang ang magbasa at gawing tambayan ang library na iyon lalo na sa mga estudyante na iyon lang ang tanging libangan. Naging tambayan na nya ang library sa mga panahong gusto nyang mapag-isa, tahimik kasi doon at napapanatag sya. Nakakalimutan nya ang ibang mga bagay kapag nagbabasa sya. May mg

