*ROZ POV* "Putcha boss ano yun?!" lukot ang noong tanong ko kay boss lover boy. Kauuwi lang namin galing sa Hamilton at naihatid na din namin yung babaeng kasama ni bossing kanina. Hindi ko sya kilala at wala akong ideya sa mga nangyayari. Nakasandal lang si bossing sa sofa habang kagat-kagat ang daliri. Ang mga mata nya ay nakatuon sa hawak nyang cellphone. "Boss wala ka man lang bang sasabihin? Ano yun bakit bigla na lang ganun? Ang gulo!" Nakapamaywang ako habang nakatayo at salita ng salita kay bossing. Napahimas ako sa noo ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari. "Maupo ka nga Roz nahihilo ako sayo," ani boss sakin at kumunot na din ang noo nya. "Nahihilo? Eh ayaw mo nga akong bigyan ng pansin, kanina pa ko tanong ng tanong dito oh! Mukha na akong gago," sabi k

