Umiiyak si Deveraux habang kinukwento sa kaibigan nyang si Shane ang naganap kanina noong nagkita sila ni Wes. "Ano?! Ginawa nya 'yon sayo?!" umalingawngaw ang boses ni Shane habang nakapamaywang. Galit ang nakarehistro sa mga mata nito. "P-pero baka naman may dahilan sya Shane, baka naman nabigla lang sya, baka naman naguguluhan lang sya–" "Nadidinig mo ba yung sinasabi mo Deveraux? Ipinagtatanggol mo pa ang gagong 'yon?!" inis na wika nito sa kanya. Napayuko sya at kinagat ang ibabang labi. Hindi nya pa din matanggap na nagawa ni Wes ang bagay na iyon. Gusto nya pa din paniwalain ang sarili na baka hindi totoo iyon at baka may gumugulo lang sa isip nito. "A-ang dami nyang galos Shane–" "Pwede ba Dev tumigil ka na nga sa pag-aalala sa kanya! Ang kapal ng mukha nyang ganunin ka, tara

