*ROZ POV* Tama ba yung nakikita ko? Si bossing nga ba 'tong bumaba mula sa sasakyan? "Ayan na si boss Wesflo oh! Bakit hindi pa natin lapitan?" tanong ni Draco sa gilid ko. Kasalukuyan kaming nakatambay sa tindahan at nagmamasid. Ilang araw na naming gawain ito dahil palagi kaming nagbabakasakali na uuwi si bossing, at ngayon heto na nga at nakita na namin sya. Pero bakit di man lang sya nagparamdam? Matagal na ba syang nakauwi? "Tara na!" ani Draco at nagpatiunang maglakad. Tch! Pambihira din talaga 'tong isang 'to oh! Hindi talaga marunong maghintay eh. "Boss Wesflo!" tawag nya kay boss at nagulat naman si bossing ng makita nya si Draco. Kasalukuyan akong naglalakad palapit sa kanila. Nilingon din ako ni boss lover boy at napansin kong may ilang marka sya ng pasa sa mukha. Anon

