*WES FLORES POV* I'm standing here for almost 1 f*****g hour! Geez! Ganoon ba ako ka-excited na makita si Deveraux?! Isang araw pa lang kaming hindi nagkita at ganito na ang pagkasabik na nararamdaman ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng Hamilton Academy, masyadong malawak ang paaralan na ito. Naglakad-lakad ako habang nakapamulsa, buti na lang at hindi ganoon kahigpit ang school na 'to, hindi kailangan ng madaming tanong para lang makapasok ka, puwera na lang siguro kung mukha kang gusgusin at kahina-hinala ang dating mo ay hindi ka talaga papapasukin ng guwardiya. Ang mga building ay magkakalayo pero malalaki. Matataas din ang mga ito at para bang mangangawit ka kakapanhik sa hagdan araw-araw. Sana ay hindi sa mataas na building ang silid ni Deveraux para hindi sya mahirapan lagi sa

