*DEVERAUX POV* Maaga akong pumasok ngayon at nakita kong nasa room na din namin si Charie. Sya ang unang naging kaibigan ko dito sa Hamilton, sya din ang unang nag-approach sakin kahapon. Mabait sya at mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. "Hi Devi!" bati nya sakin nang makita nya ako. Ngumiti naman ako sa kanya at tumabi sa upuan nya. Kasalukuyan syang nagbabasa ng libro. Mayroong salamin sa mata si Charie pero maganda sya at maputi. Naka-brace din sya at maiksi lang ang itim nyang buhok. Maliit ang mukha nya pati labi. Mukha syang manyika na nag-anyong tao. "Ang aga mo ha?" sabi ko sa kanya. "Maaga kasi akong nagigising eh at mas gusto ko dito sa school. Sa bahay kasi ay wala namang tao palagi, sobrang busy nila Mom sa trabaho," aniya sakin at napatango-tango naman ako. "Anyway

