*ROZ POV* Putek! Kanina pa ko ikot ng ikot dito sa labas para lang hanapin si boss lover boy pero di ko sya makita. Mag-iisang oras na akong pinaghahanap nila Boss B. Alas-dose na ng madaling araw at buti na lang sila ang pinakahuling isasalang. "Ano nakita mo ba?" tanong sakin ni Leonhart. "Hindi nga eh. Saan kaya nakarating 'yon? Nahalughog ko na ang palibot nitong bar pero wala talaga si bossing," sabi ko habang nakapamaywang. Salubong na ang kilay ko at kanina pa ko naghahanap. Si Draco ay naghahanap din kanina pa pero bigo din syang makita si bossing. Saan kaya nakarating 'yon? "Tsk! Oh sya Roz ikaw na lang muna ang pumalit kay Wes. Kailangan na nating makatugtog at kanina pa naghihintay ang mga tao. Nakakahiya sa may-ari ng bar," sabi ni Zach. Tumango ako at pumasok na sa loob.

