CHAPTER 04

1195 Words
What's happening to him? He don't even know her pero pinilit nya itong sumakay sa sasakyan nya. Kanina noong nasa bar sya nakita na naman nya si Lucas at alam nyang may gulo na namang magaganap sa bar dahil nandun na naman ang gunggong na iyon. Wala naman dapat syang pakealam sa kung sinong guguluhin nito o kung sinong babae ang kakalantariin nito. Pero nung nakita nya yung takot sa mga mata ng babaeng nasa tabi nya ngayon habang kausap nito si Lucas kanina, may kung anong nagtulak sa kanya para balikan ito. "S-saan tayo pupunta?" Naputol ang pag-iisip nya dahil sa tanong nito. Oh great! Naputol din ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Pero saan nga ba sila pupunta? s**t! Hindi nya rin alam. "Salamat nga pala sa pagliligtas mo sakin kanina," Hindi nya binigyang pansin yung sinabi nito, diretso lang syang nakatingin sa daan at pakiramdam nya nililipad ng hangin ang isipan nya. "Ahm hindi ka ba talaga nakikipag-usap? Saka bakit lahat takot sayo?" Sa tanong na iyon ay nilingon nya ito. Kusang naglandas ang tingin nya sa noo at magagandang mga mata nito. Tanging iyon lang ang nakikita nya dahil nakasuot ito ng facemask. "Bakit ikaw hindi ka ba natatakot sakin?" Ilang saglit itong natigilan. He smirked. Sabi na nga ba nya. Wala naman ng bago roon. Alam nyang katulad ng karamihan ay natatakot din ito sa kanya– "Hindi, bakit naman ako matatakot sayo?" Bigla syang natigilan sa sagot nito. Di nya alam kung ilang segundong nagpaulit-ulit sa isip nya ang sinabi nito. Hindi ito natatakot sa kanya? Imposible. Tiningnan nya ito at wala syang mabasang ano mang takot sa mga mata nito. Kalmado lang ito na tila ba kampanteng kampante ito sa tabi nya. Kanina ay nanginginig pa ito dahil sa nangyari pero ngayon ay mukhang ayos na ito. "Hindi ka naman nakakatakot. Kung totoong masamang tao ka, siguro naman hindi mo ako ililigtas kanina, alam mo hindi talaga ako naniniwalang masamang tao ka, ang dami kong nababalitaang negatibo tungkol sayo noon pa pero ni minsan di ako nakaramdam ng takot sayo at hindi nagbago ang—" Natigilan ito saglit bago itinuloy ang sasabihin. "A-ang paghanga ko sayo," Nagbaba ito ng tingin at iniwas ang mukha. Parang bigla itong nahiya matapos sabihin ang mga salitang iyon. Ilang minutong katahimikan muli ang namayani sa kanilang dalawa bago nya naisipang tanungin ang pangalan nito. "What's your name?" wala sa sariling tanong nya sa babae. Uh. Nahihiwagaan na sya sa sarili nya. He can't believe it. Seriously?! This is the first time na nagtanong sya ng pangalan ng babae, even her ex, hindi nya tinanong at kusa lang itong nagpakilala sa kanya, tahimik lang kasi sya at madalas babae talaga ang nagbibigay ng motibo para lang mapalapit sa kanya. Yes he had a girlfriend before, 2 years ago na pero naghiwalay sila dahil sa sariling kamunduhan nito. "I'm asking your name," ulit nya sa babae, bahagya syang nagbaba ng tingin. This is impossible! "Dev– uh Deveraux," medyo nauutal na sagot nito. Lumingon ito sa daan at nakita nyang nakatingin ito sa mga batang namamalimos at naka-kalat sa lansangan. Dis-oras na ng gabi at naroon pa ang mga ito na tila may hinihintay. Sa di kalayuan ay may nakita syang bulto ng lalaking nakatayo habang nagmamasid sa paligid. Nakasumbrero ito at tila pinapanood ang mga bata. "Kawawa naman sila. Bakit kaya hinahayaan ng mga magulang nila na nasa lansangan pa sila kahit dis-oras na ng gabi? Hindi ba nila naisip na sobrang delikado?" Kinapa-kapa nito ang bulsa at parang may hinahanap ito na kung ano roon, ilang saglit pa ay nakita nyang binubuksan nito ang wallet. Tumingin ito sa kanya. "Pwede bang ihinto mo muna itong sasakyan?" anito at bumaling ng tingin sa mga bata. Napakunot-noo lang sya, nahihinuha nya ang gagawin nito. Sinubukan nyang ihinto ang sasakyan upang siguraduhin kung tama nga ba ang naiisip nyang gagawin nito. Hinayaan nya itong makababa sa sasakyan pero pinakiramdaman lang nya ang paligid. Bumaba din sya. "Bili lang ako yosi," sabi nya. Naglakad-lakad sya sa paligid at inikot ang kadiliman ng lugar. May department store kung saan nakatayo ang lalaking pinagmamasdan nya kanina. Hindi maganda ang kutob nya sa lalaking ito. Tanaw pa rin nya si Deveraux at ilang saglit lang ay nilapitan na nito ang bata. Tama ang naiisip nya, naaawa ito sa mga bata at bibigyan nito iyon ng limos. Napapalatak sya. Masyado itong mabait. Alam na nya kung ano ang mga posibilidad na mangyayari at hinayaan lang nya ito. Hindi naman sya tanga para hindi maging handa. Matalas ang pakiramdam nya kapag sa mga ganitong bagay. Hindi sya namalayan ng lalaking nakatayo, nasa likod na sya nito at nagsindi muna sya ng sigarilyo habang pinapakiramdaman ito. Nakita nyang tumingin ang bata sa lalaki at tumatakbo na ito palapit sa pwesto nila. Hindi sya nagpahalata at nanatiling kalmado. Mabilis ang takbo ng bata at ang makasalanang mga kamay nito ay hawak-hawak na ang nakuhang mga gamit mula kay Deveraux. Tsk tsk. Wrong move. Tama ang nasa isip nya. Kitang-kita nya kung paano kinambatan ng lalaki ang bata para ipasa ang mga nakuhang gamit nito mula kay Deveraux, pero bago pa man iabot nito iyon ay ikmil ikmil na nya ang lalaki sa leeg nito. "Move or I'll blow your head off," aniya sa lalaki. Nasa bibig nya pa ang sigarilyo habang ang isang kamay naman nya ay may hawak na baril at nakatutok iyon ngayon sa lalaki. Natigilan yung bata at sinenyasan nya si Deveraux na kuhanin ang mga nakuha nitong gamit. Nakuha nito ang cellphone at wallet sa bata. Gulat na gulat ito sa nangyari at halatang hindi ito mapakaniwala. Nakatingin lang ito sa kanya at sa lalaking nagmamakaawa ngayon sa kamay nya, bago pa man nya ito pakawalan ay binigyan nya muna ito ng kaliwatkanang suntok sa mukha. "Ang laki ng katawan mo batugan ka," aniya sa lalaki. Sapo nito ang mukha at napa-upo ito sa isang gilid. Sumirit agad ang dugo sa labi nito na pumutok dahil sa pagkakasuntok nya. "Wes tama na! Halika na umalis na tayo dito," Nataranta si Dev at kitang-kita nya ang pag-aalala sa mukha nito. Poor her. Mukhang naaawa pa ito sa lalaki samantalang hindi naman ito dapat kaawaan. Gumagamit ito ng mga inosenteng bata para lang sa pagnanakaw. Hinila ni Dev ang kamay nya. Wala na rin ang bata at mabilis itong nagtatakbo sa kung saan. "Oh My God!" Habol ang hininga nito ng makapasok sa loob ng sasakyan. Naroon pa rin ang pagkabigla sa mukha nito. Napailing na lang sya. Tiningnan nya ito sa mukha at nababasa nyang pinagsisisihan nito ang desisyong bumaba kanina. Dahil sa pagiging mabait at matulungin nito ay ito pa ang aabusuhin ng mga walanghiyang nilalang. Hindi nya alam kung bakit may mga taong katulad ng lalaki na iyon. Nagagawa nitong lunukin ang konsensya para lang sa sarili. Ito ang mga dapat na binibitay. Ang mga walang kamuwang-muwang na bata ay nadadamay, lalaki ang mga ito sa ganoong paraan hanggang sa makasanayan na lang ang ganoong gawain. "Pasensya ka na sana ay hindi na lang ako nagdesisyon na bumaba kanina," anito sa kanya. Tumaas lang ang isang sulok ng labi nya. Wala naman itong kasalanan. Masyado lang itong mabait at minsan iyon ang nakapagpapahamak sa atin. Sa mundong ito na hindi tayo sigurado mahirap maging kampante. "Alam kong napalaki kang mabuti ng mga magulang mo, pero tandaan mo na hindi lahat ng tao sa mundo ay kasing buti mo," aniya bago binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD