Pangalawang beses ko nang bumuga ng malalim na buntong-hininga, nakatayo ako sa mismong harap ng pinto ng Opisina ng CEO na si Mr. Damien Hochengco—ang tatay ni Russel. Sa ngayong pagkakataon ko pa siya makikilala nang lubusan. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Mabilis ang kabog ng aking dibdib. Ilang ulit na akong inuutusan ng parte ng aking isipan na umatras o hindi kaya ay umuwi nalang ako. Pero, pilit kong kontrahin iyon dahil ayaw kong madismaya ang ama ng asawa ko. Ayokong mali ang magiging tingin niya sa akin. Ayokong negatibo ang ipapakita ko sa kaniya hangga't maaari. Ang kaso, ang problema nga lang ay sa maling pagkakataon nga lang. Kung kailan wala si Russel at hindi ko mahagilap. Ang sabi sa akin ng mga pinsan at ni kuya Keiran ay huli nila nakita ito sa Conference Room, kung saan ginanap ang meeting. Ang tnaging sinabi daw nito sa kanila ay susunod nalang daw siya. Good thing, wala si Joga sa building na ito, wala din daw ito sa meeting.
Kinuyom ko ang aking kamao at hinawakan ko ang seradura ng naturang pinto. Pinihit ko iyon at dahan-dahan ko ito itinulak. Tumambad sa akin ang bulto ng isang lalaki na nakatalikod sa akin. Nakatingin siya sa bintana habang ang mga kamay niya ay nasa bandang likuran niya. I swallowed hard. Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng kakaiba pagkatapak ko sa naturang silid. Iba ang awra, bigla ako ginapangan ng kaba. Mas lalo bumilis ang t***k ng aking puso. Para bang kinakailangan kong yumuko nang nakaharap ko ang tatay nina kuya Keiran at Russel. I can sense the dominance, cold and intimidating! Ang buong akala ko, sa Grande Matriarch ko lang mararamdaman ito, sa domoble nang makaharap ko ang isang Mr. Damien Hochengco!
Marahang lumingon sa aking direksyon ang ama ni Russel. Wala akong nababasa na ekspresyon sa kaniyang mukha. Diretso lang siyang nakatingin sa aking kinakatayuan. Gumalaw siya. Humakbang siya palapit sa akin hanggang nasa tabi siya ng Sala set ng Opisina. "Please, sit, Ms. Jelly Doroteo." pormal niyang alok sa akin.
Kahit nanginginig ang aking kalamnan ay pilit ko pa rinmakarating sa single couch na kaniyang itinuro. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng diretso dahil sa kaba, takot at hiya. Maingat akong umupo sa single couch. Nasa kandungan ko ang mga palad ko. Umupo siya sa tapat ko. Muli na naman akong lumunok. Tahimik kong pinapakalma ang aking sarili. Hindi ako pupwedeng maging mali-mali sa oras na tnaungin niya ako ng mga bagay na gusto niyang malaman. Pero nalaman ko din na siya din ang dahilan kung bakit nagkahiwalay noon sina kuya Keiran at ate Naya. Nagkahiwalay sila sa loob ng sampung taon. Ngayon ko napagtanto kung bakit ako natatakot. Na baka maulit na naman ang nangyari. Na baka papalayuin niya ako kay Russel.
"Ms. Doroteo," pormal niyang tawag sa akin.
Halos matalon ako sa kinauupuan ko nang tawagin niya ako. Matik akong tumingin sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata ko. "P-po...?" bakas sa boses ko ang kaba.
Nanatili pa ring malamig ang tingin niya sa akin. Ibinuka niya ang kaniyang bibig upang magsalita. "Pasensya na kung hindi ako nakadalo sa kasal ninyo. Marami akong ginagawa ng mga araw na 'yon."
"A-ayos lang po 'yon, Mr. Ho. N-naitiindihan naman namin ni Russel..."
Isang nakakabinging katahimikan na ang sunod na bumalot sa silid na ito. Yumuko ako at marahan akong bumungtong-hininga. Inilapat ko ang aking mga labi't lihim ko 'yon binasa ng laway.
"Alam kong may pagkukulang ako bilang ama kay Russel. Ipinaramdam ko sa kaniya na wala siyang ama noon bata palang siya." seryoso niyang sabi. Muli ako tumingin sa kaniya. Nag-aabang ako ng susunod niyang sasabihin. "Dalawa ang naging anak ko kay Vickie, hindi na kakayanin ng katawan niya kung bubuo pa kami ng pangatlong anak. Dahil sa pagiging desperado na magkaroon ng anak ng lalaki, kumabit ako. Aminado ako. Ginawa kong pangalawang asawa si Miranda, naiitindihan ni Vickie kung anong ginawa ko. Hanggang sa binigyan ako ni Miranda ng mga anak na lalaki, sina Keiran at Russel."
Umaawang ang bibig ko sa kaniyang naikwento. Hindi ko akalain na iyon pala ang dahilan kung bakit ganoon ang naging sitwasyon. Kung bakit galit si Russel kay Mr. Damien Ho noon pa man. Hindi ko pa rin maitindihan kung bakit...
"Kailangan ko ng mga anak na lalaki upang dalhin ang apelyido ko, dahil sa pamilya namin, mas prayoridad namin na magkaroon ng anak ng lalaki bilang tagapagmana. Na sila ang magtutuloy ng bloodline ng pamilya."
Halos mabato ako sa kinauupuan ko. Dahil doon?! Ibig sabihin, sina kuya Keiran at Russel ang magtutuloy ng lahat? Papaano naman sina ate Carys at ate Nemesis?
Gustuhin ko man itanong sa kaniya ang mga bagay na 'yon ay hindi maaari. Wala ako sa lugar upang tanungin ko siya sa mga bagay na 'yon. In-law lang ako, hindi ako mismong kapamilya nila.
"May hihingin akong pabor sa iyo, iha..."
"A-ano po 'yon?" mas lalo pa ako ginapangan ng kaba kahit na inaabangan ko ang susunod niyang sasabihin.
Hanggang sa ginawaran niya ako ng isang makahulugang ngiti...
**
Tumigil ako sa tapat ng isang resthouse dito sa Batangas. Umalis na din ang kotse na sinakyan ko pahatid dito. Napatingin ako sa gate na kusa iyon nagbukas hanggang sa tumambad sa akin ang isang babae at isang lalaki. Magkaakbay silang lumapit sa akin. Sinalubungan nila ako ng matatamis na ngiti.
"Hello, Jelly!" masayang bati sa akin ni Ma'm Elene nang nasa harap ko na sila mismo.
"Nasabi na sa amin ni tito Damien kung bakit ipinadala ka niya dito." pahayag naman ni Sir Flare. "Halika, nakahanda na ang magiging kwarto mo. Huwag ka mag-aalala, alagang alaga ka dito sa amin. Lalo na't buntis ka."
Ngumiti na din ako at tumango. "Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin..." sabi ko.
"Sus, wala 'yon. Basta mismong si tito Damien ang tumawag sa amin para makiusap na dito ka muna tutuloy." dagdag pa ni Ma'm Elene. "Flare, kunin mo muna ang mga gamit ni Jelly, ihatid mo sa guest room, ipaghahanda ko lang siya ng makakain sa Dining." saka pinulupot niya ang kaniyang mga braso sa braso ko. "Halika, Jelly. Welcome home ka sa bahay namin."
Ngumiti ako. "S-sige po."
Pagkapasok ko sa resthouse ay maaliwalas siya sa paningin. Saglit lang naman daw ako dito mananatil. May gusto lang daw gawin si Sir Damien kaya dito niya ako pinapunta sa Batangas. Ito daw ang option niya na tiyak na hindi agad maiisip ni Russel, o hindi kaya isa sa mga pinsan niya. Wala rin akong ideya kung ano ang gustong mangyari ng byenan ko. Basta ang sabi niya sa akin, kinakailangan ko daw muna humiwalay kay Russel na nang hindi nito nalalaman. May tiwala naman ako sa kaniya kaya pumayag na din ako. Kahit ang totoo ay nagtataka pa rin ako kung bakit naisip niya ang bagay na 'yon.
"Jelly, anong gusto mong palaman? Chicken or tuna?" nakangiting tanong sa akin ni Ma'm Elene habang nasa Dining Area kami.
"Tuna nalang po," magalang kong tugon.
"Alright!" saka ginawan niya ako ng ilang tuna sandwich saka inabot niya sa akin ang plato na naglalaman ng apat na tuna sandwich. Nagsalin din siya ng juice at ipinatong niya iyon sa tabi ko. Nagsimula na din akong kumain. Umupo siya sa tabi ko at nagpangalumbaba. "Ang bilis talaga ng panahon." kumento niya.
Dahil sa sinabi niya ay napukaw niya ang atensyon ko. Nakatingin ako sa kaniya habang nanguya. "Bakit po?"
Ngumuso siya. "Sinamahan ko dati si Naya para ipakilala sa mga Ho sa Greenwoods, sa Cavite. Naghahanap kasi si Madame Miranda ng magiging tutor ni Russel. Tapos heto, may asawa na ang batang iyon." naiiling-iling siya. "Nakakatuwa lang dahil malayo na ang Russel na nakilala namin sa ngayon. Naging responsable na siyang anak, asawa at ama." saka tumingin siya sa akin ng diretso sa aking mga mata. "Salamat at dumating ka sa buhay niya, Jelly."
"Len-len aalis muna ako. May aasikauhin lang ako sa bayan, susunduin ko din ang mga kids." biglang pumasok si Sir Flare dito. Bumaling siya sa akin. "Oh siya, mag-enjoy ka lang dito, Jelly, ha? Kapag may kailangan ka, sabihan mo lang itong si Elene. Babalik din ako."
"Mag-iingat kayo."
Bago siya umalis ay nilapitan niya si Mia'm Elene at ginawaran niya ito ng halik sa sentido at nagsabi pa siya ng I love you. Tinalikuran na niya kami at umalis na.
**
Malayo ang tingin ko habang nasa balkonahe ako ng guest room. Nakasuot ako ng manipis na blazer para hindi ako lamigin masyado dahil kumakapal daw ang hamog sa bandang lugar kung nasaan ang rest house nina Sir Flare at Ma'm Elene. Napatingin ako sa kalangitan. Wala masyadong bituin. Mas niyakap ko pa ang sarili ko, hindi ko mapigilang hindi mag-aalala para kay Russel. Wala na akong ideya kung ano na ang ginagawa niya dahil kinuha nina Ma'm Elene ang cellphone ko. Kahit labag man sa kalooban ko ay wala rin akong magagawa kungdi ibigay sa kanila ang mga bagay na makokontak ako ng asawa ko.
Napasapo ako sa aking tyan. "Miss ko na ang daddy mo, anak..." mahina kong saad kahit alam kong bigo ako makakuha ng sagot mula sa kaniya, pero mas maiging malaman niya kung ano ang nararamdaman ko sa ngayon. Totoong miss ko na siya, hindi ako sanay na wala ang presensya niya sa paligid ko. Ito yata ang sinasabi nila na m-aattached na ako sa kaniya.
Ilang saglit pa ay nagpasya na akong pumasok sa loob. Kinakailangan ko nang matulog ng maaga dahil masama daw sa akin na magpuyat o kaya mastress. Kailangan kong ingatan ang sarili ko.
"Baba, anong sinabi ninyo kay Jelly?"
Tumigil ako sa paglalakad nang bigla kong narinig ang boses ni kuya Keiran. Base sa aking narinig parang sa pamamagitan ng tawag iyon. Agad kong iginala ang aking paningin sa silid. Naguguluhan sa nangyayari. Recorder ba 'yon o ano? Rinig kasi sa buong silid.
"Huwag ninyong sabihing lalayuan niya si Russel? Inuutos ninyo bang umalis siya, baba?" boses naman ni ate Carys ang narinig ko.
"Keiran, atsi Carys, please... Calm down." boses ni ate Nemesis ngayon.
"Ayokong maranasan ni Russel kung ano ang naranasan kong inilayo sa akin si Naya, ate Nemesis." matigas na saad ni kuya Keiran. "Baba, anong ginawa ninyo? Anong sinabi mo sa kaniya?"
Mas lalo ako naguguluhan sa nangyayari. Ano itong mga naririnig ko? Guni-guni ko ba ito o ano?
Umawang ang bibig ko nang may narinig akong bulabog sa pag-uusap na naririnig ko.
"BABA!" malakas na tawag ni Russel kay Sir Damien. A-anong...
"Russel!" rinig kong boses ni Ma'm Miranda. "Anak, kami na ang kakausap sa baba mo—"
"Anong ginawa mo kay Jelly?!" bakas sa boses ni Russel ang galit nang itanong niya 'yon. "Huwag mong sabihin na inutusan mo ang asawa ko na layuan ako!" at may narinig akong nabasag na plorera! "Tang ina! Tama nang pinakialaman mo ang buhay ni Keiran ahia! Bakit ba kinakailangan ninyong pakialaman at nakadepende kami sa gusto ninyo?! Kung ano ang gusto ay iyon ang dapat sundin?! Bakit ba ayaw ninyo kaming maging masaya, ha?!"
"Russel!" malakas na suway ni Madamae Miranda sa linya. "Huwag mong murahin ang ama mo!"
"Ma! Bakit ba madali para sa iyo na tanggapin ang lahat?! Bakit hinahayaan mong saktan ka niya ng ilang ulit at pinagtatakpan mo ang mali niya?! Hindi mo deserve maging pangalawang asawa! Dahil ako, ikaw lang ang nanay ko! Wala akong pakialam kung Hochengco ako! Wala akong pakialam kung anak ako ni Damien Ho!"
Nang marinig ko ang pinaghalong galit at sakit sa boses ng asawa ko. Napasapo ako sa aking dibdib. Dama ko ang sakit na dala-dala ni Russel. Parang pinipiga ang puso ko, kahit naririnig ko lang ang pag-uusap nila. But I don't quite sure if Russel knows about the blood line thing, according what Mr. Damien Ho said a while ago nang nagkausap kami. Hindi ko nga lang mawari kung bakit sa akin sinabi ng tatay ni Russel ang mga bagay na 'yon, at hindi mismo sa kaniyang anak.
Napasinghap ako nang marinig ko ang malakas na tunog na tingin ko ay may sinampal. Hindi kaya, nasampal ni Madame Miranda si Russel dahil sa mga binitawan nitong salita? "Hindi mo naiitindihan, Russel!" malakas ngunit bakas na panginginig sa boses ni Madame Miranda.
"No, ma! Naitindihan ko! Matagal ko nang alam na masyadong desperado ang asawa mo na magkaroon ng anak na lalaki! Na gusto niya na may magdadala ng pangalan niya!" sige pa rin ang pagsigaw ni Russel. "Pero alam mo kung anong masakit? Na siya ang palaging manalo, na siya palagi ang pupwedeng maging masaya! Kasi ano? Anak lang kami! Na kaya niyang manipulahin ang mga buhay namin! Na tatanggalan lang kami ng karapatan kung saan kami maging masaya!"
"R-Russel..." humihikbing tawag ni Madame Miranda.
"And this all my fault..." boses ni Madame Eufemia, ang Grande Matriarch ng pamilya. "Kasalanan ko kung bakit nalagay na tayo sa ganito..."
"A-ahma..." humihikbing tawag ni Russel sa kaniyang lola. "Please... Don't Jelly take away from me... Magpapakabait na ako... Huwag ninyo lang ilayo sa akin ang mag-ina ko... H-hindi ko kaya na mawala sila sa akin..."
Doon na kumawala ang aking mga luha. Isa-isa iyon marahas na pumatak kung saan man. Ito ang pangalawang pagkakataon na marinig ko ang asawa ko na umiiyak... Nagmamakaawa para sa amin ng magiging anak namin.
"Gagawin ko pa rin magtrabaho sa Tung Xiao, huwag ninyo lang ilayo sa akin si Jelly at ang baby namin..."
"R-Russel..." humihikbi kong tawag sa kaniya kahit na bigo ako na marinig niya iyon.
"Mahal ko si Jelly. Mahal na mahal ko siya... Sila ng anak ko..."
"Mahal din kita, Russel." nagawa ko pang isaboses iyon sa gitna ng aking pag-iyak. "Mahal ka namin..." sabay sapo sa aking tyan.
"Do you want your wife that bad, Russel?" sa wakas ay nagawa nang magsalita ni Sir Damien.
"Yes! I love her! That's why I want her back! I want to bring her back to my house! Walang silbi ang bahay ko kung wala ang dahilan kung bakit ako nauwi..."
"So I made a right choice since then," dagdag pa ni Sir Damien.
"W-what do you mean, baba?" tanong ni kuya Keiran.
"Because I am the one who ordered that Kalous and Harris to put a drugs on Russel's drink that night."