chapter nineteen

2123 Words
"Because I am the one who ordered that Kalous and Harris to put a drugs on Russel's drink that night." Daig pang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang rebelsyong binitawan ni Mr. Damien Ho. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnam—kahit ang aking mga tuhod ay gusto nang bumigay. Ilang beses nagtatalo ang isipan ko. Kung paniniwalaan ko ba ito o hindi. Ramdam ko din ang paninikip ng aking dibdib na akala mo ay ilang beses na  pinagsasaksak ng matalim na punyal sa punto na ito. Ngunit, hindi rin napigilan ng mga luha ko na kumawala sa aking mga mata, marahas iyon umagos sa aking pisngi, marahas din iyon pumatak sa sahig. Ibig sabihin, sa una palang ay planado na ang lahat ng ito? Sa umpisa palang ay ako ang pinili ni Mr. Damien Ho upang susi sa pagbabago ni Russel? Pero, papaano? Papaanong nangyari? Agad dumapo ang aking palad sa aking tiyan. Bumaba ang aking tingin habang nakaawang pa ang aking bibig upang lumanghap ng hangin. Planado ang batang nasa sinapupunan ko? Hindi na nakayanan pa ng mga tuhod. Bumagsak ako sa sahig at hindi ko mapigilang humagulhol dahil sa sakit. Kahit anong pag-aanalyze ko sa anumang gustong palabasin ni Mr. Damien Ho, hindi ko maiwasang hindi masaktan. Para akong tanga. Hindi lang ako, kaming dalawa ni Russel. Hindi ko talaga makuha kung bakit ganoon ang ginawa niya sa aming dalawa. "Jelly!" malakas na tawag sa akin nina Ma'm Elene at ang asawa niyang si Sir Flare, tagumpay silang nakapasok dito sa guest room at agad nila akong dinaluhan. "Jelly..." nag-aalalang tawag sa akin ni Ma'm Elene. Hindi ko magawang magsalita. Sinisink in ko pa ang lahat. Pinagtatagpi-tagpi ko ang lahat ng pangyayari. Ngunit, wala pa rin akong makuhang kasagutan. "Hindi namin alam na ganoon ang gustong sabihin ni tito Damien." malungkot na pahayag ni Sir Flare nang nagawa nila akong paupuin sa gilid ng kama. "Ang akala ko, kina Keiran at Naya niya lang gagawin ang mga bagay na 'yon, hindi niya rin pala niya kayo pinalagpas ni Russel." Nanatili akong tahimik. Pakiramdam ko ay blangko na ang isipan ko. Wala na akong makapa na salita upang mabigyan ko sila ng kasagutan kung ano ang nararamdaman ko sa ngayon. Bigo ako. Kasabay na nakaramdam ako ng panghihina. "Jelly, huwag ka muna mag-conclude, ha? Baka naman may malalim na dahilan si tito Damien kaya niya ginagawa ang bagay na 'yon. Ang isipin mo ngayon ay ang baby ninyo ni Russel..." dagdag pa ni Ma'm Elene. ** Pagkagising ko kinaumagan ay bumungad sa akin ang maamong mukha ni Russel. Punung-puno ng pag-aalala sa kaniyang mukha. Nagtataka akong bumangon. Inaasahan ko an ganito ang magiging ekspresyon ng kaniyang mukha ngayon—malungkot na Russel ang sasalubong sa akin ngayon. Mukhang aware siya dahil nalaman ko din ang lahat kagabi. Kung ano ang sinabi ng kaniyang ama. "Russel..." mahina kong tawag sa kaniya. Malungkot niyang inabot ang aking kamay. Pinipisil niya ito. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya, tila hinihingi ko ang paliwanag niya sa nangyayari ngayon. "Ako na ang humihingi ng tawad dahil sa ginawa ng tatay ko, Jelly.'" maski sa boses niya ay ramdam ko ang kalungkutan. "Hindi ko akalain na malalaman ko siya pala ang dahilan kung bakit nalagay ka sa sitwasyon na ito. Na ginamit ka niya." Malungkot kong ibinaling ang aking tingin sa mga kamay namin na nanatiling magkahawak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Maraming katanungan sa isipan ko na naghahanap ng kasagutan pero hindi ko magawnag isaboses ang mga iyon dahil pinangungunahan ako ng takot. Takot na baka masaktan na naman ako sa magiging kasagutan. "Pero hindi ako nagsisisi." dagdag pa niya. Nanlaki ang mga mata dahil hindi ko inaasahan na maririnig ko sa kaniya ang mga kataga na 'yon. "Kahit na pareho tayong ginago ng tatay ko, hinding hindi pa rin ako nagsisisi na nakilala, pinakasalan at minahal ka." Tumingin ako sa kaniya. Parang pinipiga nag puso ko sa mga salitang binitawan niya. "Russel..." tanging pangalan lang niya ang maisambit ko. Unti-unti din nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga namumuong luha sa aking mga mata. "Marami na tayong pinagdaanan, Jelly. Ayokong magtatapos ang pinaghirapan nating dalawa sa wala. Ayokong mawalan ng saysay ang lahat habang patuloy ako bumabangon. Ikaw at ang anak natin ang insprasyon ko. Kayo ang dahilan kung bakit umiba ang pananaw ko sa buhay." yumuko siya't inilapat niya ang kaniyang labi sa likod ng aking palad. "Mahal kita, at ayokong mawala ang pakiramdam na ito habang nabubuhay ako." Kusa nang kumawala ang luha, marahas iyon pumatak kung saan man, subalit nanatili pa rin akong nakatingin sa aking asawa. Walang sabi na kumawala ako mula sa pagkahawak niya sa akin. Kita ko kung papaano nanlaki ang mga mata niya—nababasa ko ang takot sa ginawa ko. Tumingin siya sa akin pero mas hindi niya inaasahan ang sunod kong ginawa, ikinulong ng mga palad ko ang kaniyang mukha. Nagtama ang aming paningin. "Ayoko rin sumuko dahil ayoko ding mawala ang pakiramdam na ito, Russel." basag ang boses ko. "Tama ka, marami na tayong pinagdaanan, at gagawin ko pa rin ang ipinangako ko sa iyo habang nasa harap tayo ng altar." "Jelly..." hindi makapaniwalang tawag niya sa akin. "Mahal din kita, Russel. Pero gusto kong malaman ang pinakadahilan ng tatay mo kung bakit sa dinami-dami na babae ng gabing iyon ay ako pa? Bakit ako ang pinili niya para sa iyo?" mariin akong pumikit. "Gusto kong malaman ang lahat, Russel... Gusto kong malaman." Ramdam ko na idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. Hinayaan ko lang siya upang mas lalo ko pa siya maramdaman. "Huwag kang mag-alala, kasama ko siya ngayon. Siya mismo ang nagsabi sa amin na sasama siya sa amin upang malaman mo ang mga gusto mong malaman." Dumilat ako nang hindi inaasahan. Hindi ko akalain na kusang pupunta si Mr. Damien Ho upang magpaliwanag kung ano ang side niya. Na mabibigyan niya sa wakas ng mga kasagutan ang mga katanungan ko. Na gagawa siya ng paraan upang malinawan ako. ** Pagkatapos kong maligo at magbihis ay sinundo ako ni Russel dito sa kuwarto at sabay naming haharapin ang kaniyang ama na si Damien Ho na ang sabi niya sa akin ay kasalukuyan na itong nasa Receiving Area ng bahay na it at naghihintay sa pagsulpot naming dalawa sa harap niya. Nalaman ko din na kasaman din ang dalawang asawa ni Damien Ho, sina Madame Victoria at si Madame Miranda, kasama din nila ang mga magkakapatid, sina ate Carys, ate Nemesis at kuya Keiran. Kasama din nila ate Naya at ang mga anak nila. Sa totoo lang ay hindi ako mapalagay, lalo na't makakaharap ko muli ang kanilang ama. Ilang beses na akong nangangapa ng mga salita na sasabihin ko, mga katanungan at magiging reaksyon ko—balewala din dahil, mas nanaig ang kaba at takot sa maaaring maging sagot niya mamaya. Isang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa habang naglalakad kami patungo sa sinasabing Receiving Area. Kahit ganoon, ramdam ko kung papaano pinipisil ni Russel ang isang kamay ko. Hindi man niyang sabihin sa akin nang diretso ay ramdam ko din ang kaba sa kaniya. Subalit, para sa akin, may iba pa siyang ibig sabihin n'on—nakikiusap siyang manatili ako sa kaniyang tabi kahit anong mangyari. Tanaw namin sina Ma'm Elene at Sir Flare na nasa labas ng naturang silid, tila hinihintay niya ang pagdating naming dalawa. Pawang may mga ngiti sa kanilang mga labi nang salubungin nila kami. "Naghihintay sila," pahayag ni Ma'm Elene. Itinuon niya ang kaniyang tingin sa akin. "Bigla ko tuloy naalala sina Naya at Keiran sa sitwasyon ninyo ngayon..." "Magiging maayos din ang lahat. Lawakin mo lang ang pag-itindi mo, Jelly." segunda ni Sir Flare na nakangiti din sa amin. Tinapik niya nang mahina ang isang balikat ni Russel. "Isa ka nga talagang Hochengco, nakikita ko ang ahia mo kung papaano niya minahal si Naya." "K-kuya Flare..." hindi makapaniwalang tawag ni Russel sa kaniya. They both chuckled. Pareho silang tumango, binigyan nila kami ng sensyales na tumuloy na sa loon ng silid. Tumango din kami pabalik at sumunod kami sa kanilang iniutos. Si Russel mismo ang nagbukas ng pinto. Tumambad sa amin ang mga tao sa loob na puros nakasuot ng elegante at mamahaling mga damit. Lahat sila ay tumingin sa aming direksyon. Bakas sa kanilang mukha na kanina pa nila kami hinihintay. Ramdam ko ang palad ni Russel na dumapo sa aking bewang. Masuyo niya akong iginiya sa loob. Nakasunod lang ang katawan ko sa kaniyang gusto. Lahat sila ay nakaupo sa mga sofa at single couch. Tahimik kaming umupo ni Russel sa tapat nila. Tulad ng iniisip ko, balewala din kung magpapraktis pa ako kung anong mga sasabihin ko sa oras na makaharap ko na sila dahil sa ngayon ay umurong na ang dila ko, parang may nakabara sa aking lalamunan. Hindi ko rin sila magawang tingnan nang diretso sa kanila, nakatuon lang ang aking tingin sa mga kamay ko na nakapatong lang sa aking kandungan. "I-iha... Naghanda ng tsaa si Elene para sa atin, b-baka gusto mong tikman...?" panimula ni Mama Miranda, nahihimigan ko sa boses niya ang pag-aalangan. Tahimik akong tumango at tinanggap ko ang tsaa na kaniyang inalok. Iinumin ko sana ito nang biglang nagsalita si Sir Damien Ho. "Ms. Doroteo," pormal niyang tawag sa akin. Dahil sa gulat ay muntikan kong mabitawan ang tsaa. Mabuti nalang ay hindi ito tuluyang nahulog o natapon ang laman. Pero mabilis akong bumaling sa kaniya. "P-po?" naalarma kong sabi. Bago ulit siya nagsalita ay bigla siyang tumayo. Nagtataka kaming tumingala sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin ng diretso sa akin. "Alam kong kasalanan ko kung bakit napunta ka sa ganitong sitwasyon." pahayag niya sa pamamagitan ng malungkot na tinig. Pero, bakit? "Una kitang nakita sa dating eskuwelahan na iyong pinasukan noon dahil naghahanap ako ng magiging susunod na scholar dahil noon pa man ay ako ang palaging nagiging sponsor ng paaralan na 'yon. Nalaman ko sa Principal ng paaralan na 'yon tungkol sa buhay mo. Napadpad ka dito sa Cavite upang maging kasambahay ka ng iyong tiyahin, kapalit ay ang pag-aaral mo. Nagustuhan ko ang background mo kahit hindi ka galing sa isang bueña familia. Gayunpaman, sumagi din sa isipan ko na magiging mabuting asawa ka din para sa bunso kong anak na si Russel. Nang mga panahon na 'yon, sa tingin ko ay ikaw na ang hinihintay ko sa pagbabago. Ikaw na may pangarap sa buhay, at ang anak ko na hindi alam kung ano talaga ng gusto..." Mas lalo ko hindi maitindihan kung bakit nababasa ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Aminado ako, hindi ako naging mabuting asawa't anak sa pamilyang ito. Mas importante sa akin ay trabaho. Ang legacy ng pamilya. Dahil doon, ay nawawala na sa isipan ko na may pamilya pa palang naghihintay sa akin. Kaya ginawa ko ang bagay na 'yon, upang makabawi ako kay Russel. Alam kong magiging responsable siya sa oras na magiging ama na siya lalo na't nasa tamang edad na din naman siya. Kaya inutusan ko ang dalawa kong pamangkin na sina Kalous at Harris na lagyan ng gamot ang inumin ni Russel." Nakikinig lang naman ako pero, pinipiga ang puso ko sa mga naririnig ko. Lihim ko kinagat ang aking labi. Mas lalo ako hindi makapaniwala na yumuko ang isang Damien Ho sa harap ko! Hindi lang ako ang nagulat, rinig ko pa ang pagsinghap ng myembro ng pamilya. "B-Baba..." hindi makapaniwalang tawag sa kaniya ni Russel. Gulat na gulat siya sa nangyari. "Alam kong halos sumpain mo na ako dahil sa galit mo sa akin, Russel. Pero sa ganitong pagkakataon man lang, mahingi ko ang kapatawaran mula sa inyong dalawa." "Hindi po ako galit." biglang lumabas sa bibig ko ang mga kataga na 'yon. Ilang beses ko inisip ang pinag-usapan namin kanina ni Russel. Gulat na tumingin sa akin si Sir Damien Ho. Nanlalabo na ang aking paningin dahil hindi ko na namalayan ang sarili kong lumuluha na pala ako. "Hindi po ako galit... Hindi rin po ako nagsisisi na pinakasalan ko po ang anak ninyo. Wala akong pinagsisisihan simula minahal ko po si Russel. Nagpapasalamat pa po ako sa inyo, kung hindi dahil sa inyo, hindi ko po siya makikilala... Hindi po ako nagsisisi na siya ang ama ng magiging anak namin..." "Jelly..." "Salamat po... Baba." pilit kong ngumiti dahil patuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha. Sa unang pagkakataon ay nakita ko kung papaano tumulo ang luha ng isang Damien Hochengco. Alam kong hindi rin siya makapaniwala sa mga salita na aking binitawan. Kahit ang mga anak at asawa niya ay hindi rin makapaniwala sa kanilang nakita na umiiyak ang kanilang ama. "S-Salamat... Jelly." basag ang boses ni Sir Damien Ho at yumuko. Nanghihina siyang umupo. "K-kaya ako narito, upang sabihin ko na... Gusto kong makita ko kayong ikasal ulit... Na gusto kong masaksihan ang kasiyahan sa inyong mukha." Muli akong ngumiti. "Kay Russel na po nakasalalay ang desisyon na 'yan." bumaling ako sa aking asawa. "Papayag ka ba?" Bigla niya akong niyakap at dinampian ng halik sa sentido. "Of course, sweetheart." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD